Breastfreed

Ano po ba magandang gawin? Di kasi lumalabas ung gatas ko ?

20 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Hi! Search mo about the following: -correct latching -power pumping -unlimited latching -how to massage breast for breastfeeding maraming sources or magandang tutorial sa Youtube... Famous food na andito lang sa Pinas na acessible lang sa bahay and very cheap... -Milo -Energen -Boiled malunggay leaves -powedered malunggay -Malunggay supplements -Malunggay drink

Magbasa pa

Kumain ng masustansyang pagkain, matulog sa tamang oras, wag magpuyat. Ugaliing Uminom ng maraming tubig. I massage ang breast ng hot compress. Maglaga ng malunggay. Makakatulong ito sa pagdami ng gatas. Gawin ng regular ang pagpapasuso, demand and supply kasi ang formula. Kapag madami ang demand marami rin ang supply na makukuha. ๐Ÿ˜Š๐Ÿ‘

Magbasa pa
VIP Member

Continuous breastfeeding lang mommy and proper latch (check youtube for proper latch). Minsan feeling naten walang lumalabas na milk pero as long as nag gain ng weight si baby (yun ang best sign na madami syang nadedede sayo), enough ang milk mo๐Ÿค—. Law of supply and demand๐Ÿ˜Š

Bakit po kailangan palabasin ang gatas? Yung sucking ability ni baby mas malakas kesa sa pump. And yung pag pisil mo sa dede kung ano lumabas dun hndi ibig sbhn ay yun lang gatas mo. Like i said yung pag suck ni baby sa dede mo ang makakapag palabas sa gatas mo.

Gnyan din ako noon as in wla tlga. Pinagtyagaan ko lng na pinadede sa baby ko kahit nsusugat na dede ko. Lalabas din gatas mo pag mtagal na dinedede ng baby๐Ÿ˜Š tyaga lng po. Breastmilk is best for baby

VIP Member

Kumain ka nang ginataang papaya sis..very effective talaga yan din kasi ginawa ko kasi wala talaga akong gatas pagka panganak ko pinag tyagaan ko lang kasi ayaw ko eh bottlefeed baby ko..

VIP Member

Unli-latch lang po mommy. Kumain ka ng may sabaw. Inom ka ng milo. Yan po ginawa nila sa akin nung akala po ni hubby wala akong breastmilk. Huwag kang susuko at papastress.

Massage nyo po tas padede kay bb. More on sabaw po pag meron na tas papaya.. Nkatulong din po saken ung natalac na malunggay suplement

Tyagain mo lang po mommy. Imassage massage mo po ang breast mo then pwde po kayo magmalunggay capsule, yung mga malunggay drink din po

At wag ma stress po tiwala lang lalabas din yan milk mo.. imassage massage mo din ang breast mo po mkakatulong.