Hi mums
ano po ba ibang way para mapadede si baby sa bottle. nagsusugat na ksi dede ko sa kakasipsip nya. kahit 1week old palang sya.
Magsusugat talaga yan sa umpisa mamsh, pero habang natagal maghihilom din yan. Masakit yan mamsh, tiis lang.
normal lang pero dapat ndi ka masaktan or masugatan. kaya baka mali position mo or position niya or both.
ganyan din nangyari sa akin pero nawala din naman sugat after 3 days proper latching lang din dapat
normal po talaga n magsugat sa first month ng pagpapadede.. prove un na nagugustohan ni baby..
baka po mali ang latch kaya nagkakasugat pero pwede mo pahiran ng vco to help heal the wounds
same here po..u can use nipple silicon breast cover...para magheal lng ung sugat...
tiis lang mommy for baby, ganyan talaga yan after 1month mawawala din yan.
normal lang po na magsugat siya, ipadede niyo lang po sa knya, gagaling din po yan.
padede mo lang po, gagaling din yan sa laway ni baby. 😊 sa una lang po yan.
sa una lang po yan kc ako nga tiniis ko hanggang sa mawala yung sugat..