Baby fever.

Ano po ang normal temp ni baby? Kanina po nag temp kami 36.2 lang siya ngayon naman 37.2 na ang baby ko. Dapat ko na ba siyang painumin ng gamot at anong gamot? Salamat

Baby fever.
12 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

normal body temp is 37.5. Saka wag ka mag papainom ng gamot basta basta kasi hnd mo naman alm ang tamang dosage at dpt reseta ng Pedia. Plss naman kapag may sakit ang anak nyo sa Pedia kayo mag ask ng dpt gawin at gamot kasi kapag kayo naniwala agad sa sabi sabi ng ibang tao baka ikapahamak yan ng anak nyo. Ugaliin pong sa doctor mag ask. Pra yan sa safety ng anak nyo. kasi kapag ikw namali ng bigay sa anak mo sisihin mo pa na nbasa mo kasi online 🤦‍♀️Lalo na sa mga FTM dyan kung may pera naman kayo dalhin nyo sa Pedia or online consultation. Kapag gipit sa Healt center. As much as u can mag save ng pera for emergency purposes like kapag nagkasakit ang anak. ps. hnd ako galit, dami ko na kasi kakilala na mas lalo nagksakit ang anak kakapaniwala sa mga nbabasa or suggestion online. Imbes sa doctor eh

Magbasa pa
TapFluencer

hindi pa po lagnat of 37.2 Sis. 37.6 above, yan po yung sinat na.. pwedeng sa environment lang yan. or baka pagkaligo lang ni baby..and consult your pedia pag worried ka pa rin wag po basta basta painom ng gamot pls... iba ang pedia sa adult Sis.. kahit na sabihin nyo pong may instruction naman sa mga paracetamol syrup.. never giveedicines na di naman po inadvice or sinabi ni pedia..

Magbasa pa

Thank you po sa mga sumagot. Nag worried lang ako kagabi sa baby ko dahil nga sa ganun yung init ng body niya. Since mainit yata sa kwarto namin kaya siya mainit din. Nung nag aircon kami naging ok naman temp niya. Yes po. Nagbakasali lang din ako kaya ako nag ask dito i just need more info lang kaya po ako nag ask pero mas padin ako kay pedia 😁

Magbasa pa
VIP Member

wag po basta basta magpapainom ng gamot sa sanggol pag walang payo ng doktor. malaki kasi chance na maoverdose at mapahamak. newborn temp runs higher pati hearbeat nila mas mabilis. 38 ung considered lagnat. wag niyo paaabutin ng 39, ER agad yan kasi baka mag kombulsyon any blood sa urine at poops, pls go to your pedia

Magbasa pa

May fever ang 37.8 sinat ang 37.4 monitor mo lang momsh.. Dapat well ventilated din sa room niyo wag din masyado balutin si baby baka kasi kaya tumataas temp posible dahil masyado siya nakabalot. You can give paracetamol drops pag nag 37.8 pero ask mo din si pedia kung ilan ML nakadepende kasi yan sa weight ni baby

Magbasa pa

normal temp po. pag 37.5 sinat, pero ako yung 1st baby ko based sa observation ko. pag umabot siya ng 37.2 mga ilang oras nilalagnat na siya nag 37.8 na siya. 😅

kung ano po normal temp ng tao ganon din po ang baby. may sinat sya kung 37.2 better ask your pedia kasi mahirap magself medicate sa mga babies

VIP Member

38 Po Ang may lagnat mommy, monitor nyo lang Po Ang baby nyo and bawasan Ang pag balot sa kanya baka naiinitan.

Consult a pedia mommy. My daughter’s pedia, pinapainom lang ng gamot kapag above 37.5c.

Normal temp p yan. Better ask pedia muna bago mag pa inom ng gamot for tamang dosage