Hospital Bag
Ano laman ng hospital bag nyo at tig ilang items? Need ba magdala ng feeding bottle sa hospital incase wala pa lumabas na milk?
Dami kong dalang damit ni baby nung nanganak ako. Tapos mga damit at gamit ko pa. Eh pwede lang namn lakarin yung ospital mula sa bahay. 😂 Tapos isang beses lang pala ako magpapalit ng damit kasi yung daster ng ospital ginamit ko simula na admit ako hanggang sa nanganak. Pati nga panty di ako pinagsuot. Tapos mga hygiene kit, meron na ding bigay galing sa ospital. Pati kit ni baby paglabas. So ang nagamit ko lang para sa akin, adult diaper(after manganak) mga 3 piraso, dalawang undies, at isang pajama. Kay baby naman, isang receiving blanket, dalawa lng mittens, dalawang bonnet, dalawang medyas at diaper. Siguro mga less than 10 lang yung diaper. June 10 ng gabi ako na admit, pagka June 12 lumabas si baby at pagka 13 ng gabi uwi na kami. Pero daming dalang gamit ni hubby. Water heater, mugs, tea, teaspoon asukal at dalawang unan. 😂 Kasi tea is life sa kanya. Tapos, sa Delivery room, may nakalagay pala na bawal magdala ng feeding bottle at artificial tits at gatas. Kasi pinapadede talaga sayo ang bata.
Magbasa paDamit ni baby, dalawang pambalot sa kanya. Yung mittens at boots tig tatlo. Diaper isang pinaka maliit na balot ng new born. Bulak, alcohol 70% solution. Feeding bottles dalawa lang, yung formula sila nagsabi kung ano bibilhin. Dipende po sa ospital, may mga ospital na hindi ka papayagang mag formula. CS kasi ako kaya no choice nag formula talaga kami.
Magbasa paNanganak Ako sa private. Pinabili me formula nun sila nag papa dede sa nursery. Sa bahay nako nag breastfeeding eh
Damit. Pambalot ni baby. Feeding bottles. Diaper. Dont buy milk. Sasabihin nila sayo kung ano bibilihin na gatas.
Sana makatulong As for feeding bottles, may hospital mahigpit Milk Code so bawal feeding bottles.
Bawal po ang mga feeding bottle sa ospital. Ippush ka nila mag breastfeed ☺️
Bawal po bote sa ospital.
Mavis Mom