Dumedepende sa mga magulang

Hi, ano bang tamang gawin kung yung LIP mo dumedepende sa mga magulang niya ? Sabi niya inaabuso niya lang yung pagtulong ng mga magulang niya. Pero minsan naffeel ko na sineset aside niya yung pakiramdam ko. Sa ngayon wala akong trabaho yung LIP ko lang ang may work. Kung titignan naman kaya niya kaming buhayin ni baby kahit walang tulong from his parents. Ang issue ko pa kasi di ako tanggap ng family niya eversince and naffeel ko naman na ginagawa lang nila yun for baby. Kasi hanggang ngayon di pa nila nammeet yung mama ko. Tapos nappressure na din ako sa relatives ko na gustong magpakasal na kami. Yung parents naman ni LIP ayaw pa kaming ipagpakasal. Hayy nakakastress mag 1 month palang baby ko. What to do?

Dumedepende sa mga magulang
4 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Same situation, ayaw rin sakin ng parents ni lip. Pero nakatira kami ngayon sa parents niya. Kasi pinapakita ng mama niya na okay na kami, feeling ko hindi parin. Pag wala naman kasi ako sa harap niya sinisiraan niya ko kay lip na keso daw bantayan ako kasi baka may ka chat akong iba kasi lagi akong online. Di niya alam, naoopen ng partner ko ang account ko. Gusto narin ni lip na magpakasal kami pero ayaw pa nila, kaya sabi ko nalang kay lip pag isipin niya munang mabuti. Ang hirap magkaroon ng partner na nakasandal parin sa magulang.

Magbasa pa