AS A FIRST TIME MOM.
Ano bang mas maganda, yung nakabukod kayo o nakatira sa bahay ng partner? Hi/Hello Everyone, lalo na sa mga kapwa ko first time mom. As a first time mom syempre hindi parin maiwasan magkamali sa pag aalaga ng newborn bb natin, Share ko lang yung situation ko ngayon. Naka-stay ako ngayon dito sa side ng partner ko which is boyfriend ko lang since hindi pa naman kami kasal kaya hindi ko muna siya pwede tawagin syang ASAWA. So ayon, syempre sa side niya gina-guide naman ako ng mama niya sa pag-aalaga, Thankful naman ako syempre kahit papaano may nagtuturo saakin kung paano yung dapat gawin sa pag aalaga kay bb lalo na't first time ko lang maging magulang. Pero minsan mga mi na ooffend na ako, kase feel ko bawat galaw o asikaso ko sa anak ko mali sa paningin ng byenan ko, like wtf? wala ba akong karapatan gawin yung gusto kong gawin sa anak ko? Ultimo tamang posisyon ng pagpapaburp sa bb ko qinuquestion niya kesho bakit daw ganun yung way ko ng pagbuhat kay baby yung baka daw mapilayan. Minsan naguguluhan na ako kung sino ba susundin ko, eh sabi ng doctor kailangan mapa burp ni bb pag naka dede na saakin, tapos sabi niya naman balutin ko daw ng pranela si bb since newborn nga di pa sanay sa panahon natin dito sa mundong ibabaw, syempre ako bilang masunurin binalot ko yung anak ko sa tamang pagbalot sa bb tinuruan naman ako sa hospital kung papaano kaya go lang. So ito ngayon nabalot ko na ng pranela yung bb ko, ngayon qinuestion nanaman niya ako bat daw balot na balot yung bb ko baka daw mainitan? HAHAHAHAHHAAHHAA jukso diko na alam san ako lulugar! Guys, Hands on ako sa pag aalaga sa bb ko, lagi sinasabi ng byenan ko wag ko sanayin sa buhat ang bb ko eh, hindi naman pepwede babad din sa higaan ang bb ko kase minsan natutuyuan ng pawis yung likod, kakaiba din umiyak bb ko maramdaman niya lang wala ako sa tabi niya grabe na yung iyak halos ang tagal bumalik ng paghinga niya. Sa isip ko, hindi pwede sabihin na wag sanayin sa buhat ang baby, eh pano kung ayun lang makakapagpatahan sa kanya. Wala namang problema saakin sa pag buhat sa anak ko, mabilis lang sila lumaki soonest pwede ko na siya utusan bumili ng toyo sa tindahan -.- Pagod na ako! pero fighting lang 💪 Sa nagtyaga basahin 'to, Salamat.