NABABAHALA AKO☹️

Ano bang feeling pag gumagalaw si baby sa loob? At anong month mo siya mararamdaman?. Please answer me ? I had 2 miscarriage before kaya i wanna know kung ano yung feeling☹️

NABABAHALA AKO☹️
96 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

5months :) parang pitik pitik lang tapos nung nag 6months up na sobrang magalaw na parang may humahalukay sa tyan ko 😂😂😂

4months nung nasimula ko xa mafeel tapos mas feel mo na xa pag nagsimula na sa 3rd trimester ikaw nalang ang magsasawa haha..

Parang may mga bubbles na pumuputok sa loov ng tyan mo hehe. un ung first time ko naramdaman baby ko. Around 15 weeks hehe

19 weeks ako mommy nung una kong naramdaman na gumagalaw na talaga si baby. Ngayon nga makulit na, sinisipa na ako palagi 😂

5y ago

Same tayo sis. pero nextweek pa ko mag 19weeks 18 weeks and 4days palang kami. Sabi dito sa apps. Hiccups daw ni baby yun ibig sabihin sinisinok sya. sarap sa feeling lalo na 1st time mom. 🤗🤗😊

VIP Member

Sakin momsh.. Simula 18weeks nramdaman ko n sya everyday.. Basta mramdman mo dn yan may nagalaw sa loob.. 😊

Magugulat ka kasi mayat maya gagalaw si baby maninipa at manununtok he he mga 6months na yung tyan ko nun

ako nung nagstart ng 5months nararamdaman ko na ung mild na kick at ung parang hinahalukay ung tyan ko

VIP Member

nung 4th month mommy nagalaw na xa. lalo now 6th month na.. malikot lalo pag gabi at madaling araw

18weeks ko naramdaman ung twins ko. Pero mahinang galaw palamg un. 20weeks ayun sumisipa na.

VIP Member

Mag 5 months na tummy ko sis nung naramdaman ko si baby. Tiwala lang talaga. Kaya mo yan. 😊