sabon pampaputi
ano ba pwede sabon kay baby pampaputi. hndi nman negra anak ko kayumanggi lang minsan maputi sya minsan maitim. 3months old. nasasaktan ksi ako tuwing pinipintasan ng hipag ko anak ko na negra. e mas negra nman sya... tama lang ba na masaktan ako. lagi n lng ksi..
Gusto mo ba paglaki ng anak mo, ikakahiya nya ang skin color nya? Or maging issue sa kanya ang mga ganitong bagay? Mas maigi na ignore nalang ang mga tao na walang masabing maganda.
ung anak ko ganun din..ang puti nung ipinanganak ko mapula pula pa..tapos ilang araw lang naging morena na..sabi ni hubby ok lang daw un mas maganda nga daw ang morena kesa puti..
Wag mo nalang pansinin yung hipag mo. Hindi naman porket kulay brown si baby is magiging brown na din siya pagkalaki niya. Magbabago pa po yan mam. Wag po kayong mag alala.
momy ang skin color po kasi namamana yan.. if di talaga kayo maputi ni husband, di talaga maputi si baby. wag mo nalang masyado ibilad sa araw para di mangitim 😅
hala wala naman pamputi na sabon sa baby kasi kung meron matapang yung chemicals non for sure at bawal sa baby yon. be contented nalang bata pa yan magbabago pa po
Naku wag mo po isipin sinasabi ng iba. Tsaka bawal po sa baby mga may matatapang na ingredients rulad ng pampaputi. Muld lang po napaka sensitive ng skin ni baby.
sis baby pa naman ang anak mo wag mo muna stress ang sarili mo sa ganyan bagay.. hayaan mo nalang yung mga taong walang magawa sa buhay dedma nalang po sa kanila.
Masyado pa po syang baby para gumamit ng pampaputing sabin Mommy… And besides wala po g masama if kayumanggi po sya… Deadma nalang po sa hipag nyo Mommy.
Nako mommym.. Bawal sa infants ang pampaputi ekek. Wag mo nalang pakinggan yang hipag mong atribida. Hehe. Antayin mong karma ang sumampal sa kakakutya nia..
Baby pa yan, di pa pwede gamitan ng mga pampaputi. Ang dapat mong gawin, ignore mo sila. Ipagtanggol mo baby mo, hindi yung pati ikaw di tanggao kulay nya