42 Replies
For me, bahay. Para may peace of mind din kayo pareho. Ako kasi kakakasal ko lang last June 25, wala pa kaming naipundar for house kasi nauna kaming magkababy then sinunod yung kasal, so ending nakatira kami both parents namin. Thrice a week sakanila, likewise samin. Sobrang hirap makitira sa mga inlaws lalo pag PAKIELAMERA especially sa mga gagawin mo for your child, kulang nalang sila na magpa-breastfeed para sila na talaga yung nanay, Kaya for me HOUSE MUST BE THE FIRST PRIORITY BEFORE MARRIAGE.
Karamihan sa nga single pa at wala pa balak mag settle down, sigurado isasagot dito is 'BAHAY.' Pero napaka hirap niyan sa ngayon dahil hindi lahat ng tao afford magkabahay agad agad. Samin ng asawa ko, nauna ang kasal at pinag iipunan pa namin sa ngayon ang bahay. Get rich together ika nga. Nasa sainyo yan. Kung kaya niyo ba muna tumira sa mga magulang ninyo or need niyo bumukod agad.
Ideally bahay sana since sayang if iisipin kapag naka renta ka (not unless rent to own yan) and di naman magandang makitira with the in-laws. But mas madali kasing magpakasal lalo na if civil wedding lang kesa magkabahay so depends pa rin sa prio mo yan.
Bahay???????????😅depende sa sitwasyon sis.. Kung my bahay naman kayo na tinirirahan like sa family mo at ok lng dn mn sila..cguro mas ok yung kasal kayo muna.. Ok lng namn ikasal kahit civil wedding kahit d bongga yung handaan..
Kasal. Ako kasi naniniwala ako mas blessed pag kasal kasi may basbas ni Lord pagsasama niyo. Ang bahay napag iiponan. Pero kami nakabili na ng bahay pero pre-selling kasi mas mura😊
Ako po kasal po muna kahit simple lang. Tsaka po kayo maginvest ng bahay It is better to start building your family or soon to be home na bless na kayo as husband and wife :)
Bahay kung may pagkakataon. Pero hindj mo naman kaya pigilan pwede naman kayo magpakasal kahit wala pa tapos sabay nyo nalang buoin yung pangarap nyo
Bahay. Ang kasal naman anjan lang yan, basta sure kayo sa isa't isa. Mahirap kumuha ng bahay. Lalo kung saktuhan lang ang kita niyo. (:
Kasal pwde ka naman hindi gumastos ng malaki. Maging practical. Mas importante kasi my sariling bahay.
Mas maganda bahay pero kung hindi pa kaya pwede naman kasal tapos sabay nyo nalang ipundar yung bahay