Sa mga panahon ngayon...

Ano ang mas dapat unahin? 🏡 Bahay or 👰 Kasal?

Sa mga panahon ngayon...
72 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Bahay. We've been together for 4 years, we'd much prefer investing in a home muna. We're sure about our relationship so even if the law doesn't see it this way, I see marriage as a form of formality na lang. In all sense of the word, we function as a married couple (joint finances, joint decisions, etc). AFAIK pwede sa Pilipinas na joint property ang bahay even if not married, so di rin naman problema ang pangalan sa titulo.

Magbasa pa

this of this. KASAL: 1 day millionare. lahat ng effort mo to save just spend in just 1 day or before the Big day comes. hence. kasal is not the way we think it is "hay, salamat kasal na sila." like a happy ending. it's a commitment. and IT'S JUST THE BEGINNING. BAHAY: long term investment. it'll take much of your time, energy and effort to save until you finish your responsibility to call it your own..

Magbasa pa

for me bahay. mas kailangan natin ng masisilungan. ang kasal Ay maiisangtabi pa. sa panahon ngayon mahirap mangupahan sa pang araw araw Lang mahirap na ng hagilapin lalo kung isang kahig isang tuka. di naman na big deal sa ngayon kung kasal ka o hindi. unahin muna ang pamilya. soon na ang kasal meron naman kasalan bayan☺ pag medyo maluwag na ang budget.😊✌

Magbasa pa

bahay. hindi naman sa di namin priority ang kasal kaso mas priority namin yung invest na bahay, lalo na nakabukod kami at iba padin yung may bahay kesa nagrerent. kahit prefer ko civil ang kasal which is less gastos talagang goal ko yung bahay. ito din kasi yung goal na hindi ko nareach before ako mabuntis. kaya todo ipon para sa bahay.

Magbasa pa

Bahay.. Hindi kasi ako martir na tao, haha. pag may gumugulo sa peace of mind ko, nakakalimutan kong mabait ako. 😂 baka magkaron lang ng lamat yung relationship ko with in-laws. and i grew up being an only child so sanay ako na akin ang buong space. 😅 ang kasal andyan lang naman yan. lalo na kung sure na kayo sa isat-isa.

Magbasa pa

Tough question kasi for me both of them are equally important. Pero we chose to be wed kasi we have plans to migrate so for now house is not a priority yet. But in different circumstances, practicality wise, uunahin ko ang bahay and make sure we have a house to move into para di makikisali sa in laws once we got married! 🙂

Magbasa pa
VIP Member

Mas okay padin po talaga pag kasal po ang nauna para may basbas pagsasama nyo. Tsaka para conjugal property nyo yung bahay pag nagkabahay na kayo. May habol ka pag nagloko at may habol ka din sa bahay. hahaha Kidding aside.

After kasal, diretso kami sa apartment for rent muna kasi di pa tapos ang bahay na pinapagawa. First time dn magsama na 2 sa iisang bahay after kasal. Walang matinong honeymoon due to pandemic. Kaya si baby, homemade😂.

VIP Member

Bahay😁 lalo na ngaun pandemic hindi din masyado ma e-enjoy ung kasal kasi bawal pa gathering🥺 syempre mas ok na ka kasal ka na nandun mga important tao sa buhay nyo minsan lang mangyari sau I kasal🥰

awa ng dyos may bahay na kami, sa tulong nadin ng biyanan kong lalaki, at ngayon na may budget na pampakasal ikakasal na kami ni LIP sa july 28 🙏🏻