46 Replies
Since first time mommy and first time preggy din ako at the same time, hinding-hindi ko makakalimutan so far yung unang beses kong nakita si baby sa tummy ko, first picture ni baby na bigay ng Sono ko, Yung mga compliments na sinasabi ng mga doctor sa anak ko dahil sobrang behave at hindi ako pinahirapan magbuntis at super healthy walang kahit na anong complications (Yung feeling mo ang galing-galing mong ina dahil healthy kayong dalawa ni baby) , unang beses na marinig namin ng daddy nya yung heartbeat nya sa doppler at yung saya sa feeling nung pagkakadiscover namin ni hubby na meron na akong breastmilk. Hehe sobrang liliit na bagay pero sobrang nakakataba ng puso! ☺💗
Aside from giving birth po, nung mga 1 month palang si baby, one time iyak sya ng iyak, na check ko na lahat, diapers, baka may kumagat, baka gutom, pero hindi talaga sya tumitigil. Tapos sa sobrang iyak nya parang nagchoke sya sa laway nya, bigla nalang tumigil ung sound na galing sa kanya, tapos ginagalaw nya ung mga arms at legs nya at namumula na ung mukha nya. Buti nalang kahit papano may napanuod akong video about what to do sa baby kapag ganun. Hay naku, huminto po ang paghinga ko. Akala ko mawawala na si baby ko. Ilang weeks po akong halos hindi mapakali tuwing iiyak si baby after ng incident na un. Grabe!
Nung Umiiyak ako sa sobrang sama ng LOOB sa Tatay Ng anak ko tapos Biglang pinunasan ng anak ko ung mga luha ko. As in pinunasan nya ng ilang ULit . sobrang baby pasya nun . nagulat ako lalo tuloy lumakas iyak ko kasi pakiramdam ko naiintindihan nya na ako naiiyak ako pag naaalala ko. Babyng baby pa ung anak ko nun . 3months old sya nun . at 3years na sya ngaun sobrang lambing . oras oras lagi nag sasabi na Ilove u mama . mahal kita . paulit ulit sarap sa pakiramdam . sarap maging nanay kapag may ganto ka bait at kalambing na anak . 😊😇
When my baby latched the first time on me. Yung tinatawag na breast crawl siguro yung pinaka hindi ko makakalimutan. Napaka-precious ng moment na yun. Feeling ko kilalang kilala na ako ni baby kahitt kakalabas lang nya and yung bond namin, doon first na-establish kaya teary-eyed din ako no'n. Nakakainis lang kasi di ko nakuha yung first photo namin together from the nurse.
The first latch. It was also a first time for me so I had mixed emotions although I was so helpless that time since I was still under general anesthesia due to CS operation. I know in my mind and heart that I was ready to do it pero iba pa din pala pag actual na. Every time I look back at that moment, I am still teary-eyed.
My first experienced with my baby is when I first touch his small hand sa incubator habang sinasabi ko sa kanya na kapit lang anak huwag kang bibitaw. We don't no what to expect since preemie sya pero kumapit lang kami at naiuwi din namin si baby and 8 months na sya.
Lahat ng first, pero iba talaga yung unang sulyap sa baby mo. Kakaiba yung kilig, tipong gusto mo sya pupugin ng halik, yakapin ng mahigpit pero bawal yun syempre. Basta iba yung feeling, nawala lahat ng sakit at pagod pagkakita ko sa anak ko.
Nung nwalan ako ng malay a few hours pgkapanganak ko...todo chika p kc aq s hipag ko tpos nung isusuot q n ung pajama ko, nwalan ako ng malay. bawal pla yumuko😅 muntik p mdmay c bby q kc nbundol q daw ung higaan nya😂😂
Twa the very first time i held my baby in my arms. Takot kasi ako kumalong ng newborn, pero sa baby ko parang matic na lang talaga. Gusto ko lang sya kalungin agad. Ibang iba ung feeling, ang sarap pa pala mabuhay sa earth 😁
Yung sa kin nakakatawa kase habang nililinis ko yung pusod nung anak ko e bigla na lang ito natanggal at napasigaw ako ng napaka lakas na akala ko ay mapapahamak yung anak ko. Yun pala, normal lang sya na matatanggal. Hehe
Anonymous