Hinaing ng mga Buntis!
Ano ang isang bagay or hinaing about pregnancy na hinding-hindi maiintidihan ng hubby mo?
si hubby kasi ay nurse kaya pag may masakit sa akin nagtatalo kami kapag ung ibibgay nya sa aking gamot ay diko iinumin kc binabasa ko muna agad, like ung masakit ulo ko binigyan nya ako ng paracetamol with caffeine sabi ko, huh? diba bawal caffeine sa pregnant tapos sabi nya same lang dw un na paracetamol, ang alam ko lang safe sa buntis ay biogesic sabi ko... ayun, pero in the end naman hindi ko iniinom ung gamot na binibigay nya unless maitanong ko din sa ob ko 😊
Magbasa paNapaisip ako dito tito alex ha 😂pero wala akong maisip😂 siguro dahil super supportive ng husband ko na in a way na masasabi ko po na ni baby nya ako nung buntis ako. Yung tipong ako na nag sasabi sa knya na OK lang ako wag na sya mag alala sakin. 🥰
yung hindi talaga ako makatulog minsan. kaka cellphone ko daw yata. bitawan ko daw cp kasi. eh sabi ko sino ba naman ang ayaw matulog lalo na kapag pagod na katawan. hehe. pero di naman sya pasigaw..pinagsasabihan lang ako
Ung paglilihi at emotional imbalance. D nya maintindihan n nasasaktan kana Kala nya lang wla lng sayo. At nag iinarte ka lang. D niya magets n kailangan mo ng time nya at lalong pagmamahal at pag aalaga.
yung di raw ako marunong makisama dahil sa ayaw ko yung maingay along lalo na kapag oras na ng tulog. yung kapatid nya kase napakaingay lalo na pay gabi.ayaw pa namn akong payagan matulog sa tanghali
"nakakapagod kaya ang hirap kumilos tapos may batang makulit pa ano sa tingin mo matatapos ko?", "ano akala mo hindi ako napapagod? magpadede nga nakakapagodna eh"
ung naging daddy ng baby q. sa sobrang hina ng pang unawa. d nia naintindihan ang mga pinagdadaanan q bilang buntis. kaya ayon sumuko na😢 iniwan n kami😭💔
Yung hindi ko pag gising ng maaga 😅 Gusto niya kasi lagi ako mag paaraw pero super antok patalaga ako , kasi lagi ako nagigising ng madaling araw.
wala naman, nauunawaan niya ako.. lahat ng masakit lahat ng gusto kong kainin good naman.. pati mood swing ko, di naman ako pinapatulan..
Yung mga nararamdaman mong sakit akala niya nag iinarte ka lang.
Hoping for a child