TEEN MOM 19YRS OLD
Ang sakit ng mga titig ng mga tao saken kase I'm a teen mom 31weeks pregnant minsan nakaka panghina at minsan may mga point na pag sisi pero hanggat maari gusto kong maging matapang sa harap nila. any thoughts po ba sa mga teen mom jaan na nakikita nyo kahit negative po paki comment naman para po malaman ko kung ano naiisio ng iba saamen mga teen mom it's a baby girl ?
Wag mo n lng silang pansinin mas ok n yang pinanindigan mo pgbubuntis mo kesa pinalaglag mo,me mga tao tlgang grabe kung humusga ng kapwa nila na akala mo sa knila ka nahingi ng pngkain nio.Pakita mo sa knila n khit bata ka nabuntis mgsisikap ka para sa anak mo.God blessπ
alam mo ate wG ka mahiya.. dapat proud ka un iba nga jan di makabuo eh. blessing ang magkaron ng baby. Kapag labas ni baby mo ikaw ang pinakamasayang nanay sa buong mundo. Saka wag mo pansinin un sasabihin ng iba ang importante Masaya ka. π IGNORE YOUR BASHERS π
Wag mo masyado istress sarili mo mommy. Makakaapekto sa baby yan. Di na mawawala sa tao ang manghusga basta alam mo sa sarili mo na kaya mong palakihin ang baby mo nang tama πππ lagi lang lapit kay Lord π π Sya na bahala sa mga taong mapanghusga. π
hi momsh im a teen mom 19yrs old, hndi pa nga din alam ng parents and relative ko na going 14weeks preggy ako ngayon eh. pero okay lang sobrang saya ko at pag dumating yung time na malaman nila taas noo kong ipag mamalaki na wala akong pinag sisisihan. pray lang lagi.
Same here! 19 yrs old din ako now may first baby na. Kahit ako nahihiya na maaga tayo na buntis tsaka lahat naman tayo dadating sa point na yan. Nauna lang tayo kumbaga. atlis di tayo baog diba hahaha. Jk lang. Positive lang lagi isipin dont mind other people.
di naman masama momsh kasi 19 ka na.. legal age kumbaga.. wag mo na lang pansinin yang mga matang mapanghusga, bagkus maging proud ka na magsisilang ka na ng isang anghel.. tandaan mo momsh di mahalaga opinion nila.. chill ka lang nararamdaman yan ni baby
hayaan mo sila walang maidudulot silang maganda. Ganyan din sila sa lugar namin eh hahaha hindi na bago. Hinahayaan ko lang sila kala mo naman talaga sakanila nagbibigay ng sustento eh kung makapanghusga wagas kala mo naman walang kapintasan sakanilaπ
Ako girl aminado ako di talaga ko nalabas non samin tapos pag may napunta samin na nagtatanong sa mama ko tungkol saken, lumalabas talaga ko inaaaway ko. Sinasabihan ko BAT DKA SAKEN MAGTANONG , CHISMOSA MO PUTA. may mura talaga hehe kaurat eh π
Di naman lahat ng matanda nanganak eh successful na iniisip lang nila na wag magpabuntis kapag bata pa kasi wala ka pera! Ganyan lng naman nga iniisip nila eh kahit naman matanda na wala pading pera may pinagkaiba ba un? Mahalaga binuhay ang baby π
Where is the lie naman kasi talaga? Pag nasa tamang edad na pero gipit padin huhusgahan ka padin ng mga tao so ganun lang din yun kahit bata pa, tas pag mayaman tas bata pa OK LANG?! mapapa real talk kana lang sis hahaha
God has always a purpose bat maaga niang binigay si baby girl mo. just be strong wag kang paapekto sa kanila. ganyan talaga ang mundo. mapanghusga. ang intindihin mo ang baby mo at sarili mo. always pray lang gurl kaya mo yan at dapat kayanin mo :)
are u also a teen mom? ilang taon kana po momshie and ilang months narin π