teen age mom 19yrs old

totoo po ba na pag teen kadaw possible na ma cs ka? huhuhu ayoko pa namn

13 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Madaming reason kung bakit nacCS. Siguro sinasabi na kapag teen pa may possibility na maCS kaso hindi pa fully develop yung matress pero kung kaya mo namang inormal si baby, wala ka namang complications during pregnancy, malaki sipitsipitan mo o hindi ka overdue pwede mong inormal si baby. Yung iba nga 13-14 yrs old palang nanganganak na ng normal delivery e.

Magbasa pa
VIP Member

Hindi naman sis basta nag eexercise ka lang palagi.. Ang CS kasi is para lang yan sa may mga complicated situations like na cord coil si baby sa loob, tumae, bigla kang nag high blood or meein kang asthma etc.

.depende mamsh. bat naman po aq. 15y/o aq nanganak sa panganay ko.. sumunod 18 y/o aq. 😊😊😊 basta may tiwala ka sa sarili at hihingi ka palagi ng pag gabay k god. di ka pabababayaan

hindi naman depende sa posisyon ng baby mo yun tsaka kung maliit ang dadaanan ng baby...may mga mas bata pa sayo nainormal naman nila kaya mo yan😊

Not true po. 19years old ako nung pinanganak panganay ko. Proper diet and healthy foods po para di masyado lumaki ang baby sa tummy niyo. 😊

Depende yan sa pangangatawan mo mommy, sa size ni baby, pati na rin health conditions ninyo pareho. Not necessarily na pag teen, CS agad.

hindi nman. meron nga ko nakasabay sa labor room 14 yrs old ang bilis lng nung nanganak nabilib ako eh prang wala lang haha

6y ago

hala kaloka sana ganyan din mangyare saken hahaha

VIP Member

depende sis. ako before may nakasabayan ako sa recovery room na 15yrs old e. normal delivery sya.

depende po yan momsh sa routine mo habang buntis ka at sa posisyon ni baby. 19yrs old preggy here!❀

6y ago

15w4d momsh oct pa due date ko. ayiee! Goodluck po sayo sana normal delivery lang.

VIP Member

'di po ako nga 21 cs eh, yung klasmeyt ko nubg high school 15 normal delivery