TEEN MOM 19YRS OLD
Ang sakit ng mga titig ng mga tao saken kase I'm a teen mom 31weeks pregnant minsan nakaka panghina at minsan may mga point na pag sisi pero hanggat maari gusto kong maging matapang sa harap nila. any thoughts po ba sa mga teen mom jaan na nakikita nyo kahit negative po paki comment naman para po malaman ko kung ano naiisio ng iba saamen mga teen mom it's a baby girl ?
hayaan mo sila..teen mom din ako nun pinagbubuntis ko panganay ko..alam mo un mga nanghusga sakin?na lagi sinasabi nag asawa ako ng maaga nabuntis ng maaga..ayun nangyari sa mga anak nila kung ano hinuhusga sakin dati..mas malala pa..nakapag asawa mga anak nila ng tamad..tapos yearly pa kung mgbuntis mga anak nila..hinayaan ko sila sa panghuhusga sakin importante di ko pinaabort un bata at tinanggap namin kahit pa sobrang hirap ng buhay namin mag asawa na ultimo pambili ng shampoo hihingin pa namin sa biyenan ko..pero ngayon sobrang blessings naman binigay samin ni lord..kami na nagbibigay sa mga parents namin at kaya na namin tumayo sa sarili namin mga paa..kaya pg binabalikan ko mga panghuhusga nila samin mag asawa natatawa na lang ako at laging nakakapg thankyou lord di kasi nia kami pinabayaan..may pagsubok at problema pero nalalampasan namin mg asawa basta lagi kami magkatulong
Magbasa pa19 y/o here!!!!! 36 weeks nako hehehe di rin ako lumalabas ng bahay eh. Bedrest kase ako. At marami na din nakakaalam na buntis ako pero wala namang nega akong narinig pero minsan nahihiya pa din ako kase baka anong sabihin nila saken dahil ang bata ko pa. Pero yun nga, malalaman at malalaman pa din naman nila yon kaya wapakels nalang haha
Magbasa pa