KATAS NG PAGIGING INA

Ang mailabas ng maayos at ligtas si baby kahit ang kapalit ay HIRAP,SAKIT at KAPANGITAN NG KATAWAN Hello ako po si aliyah, kapapanganak ko lang nong feb 24 via CS which is hindi naman dapat maCCS kung hindi lang ako naubosan ng panubigan @5cm.. Kinausap ako ng OB ko na need ko daw maCS kasi dry na daw yong loob ng tummy ko hirap ng huminga si baby at unti unti na siyang naiipit sa tiyan ko,sabi ko sa ob ko na kung kaya naman inormal wag ng CS kasi takot ako eh,takot ako sa mangyayare sa magiging result lalo na't may thyroid ako ? sabi niya sakin hindi na kakayaning inormal kasi 5cm palang ako at hindi bumababa yung tiyan ko tapos wala ng tubig sa loob kaya need na daw i-emergency CS ,wala na ako nagawa kasi buhay na namin ng anak ko ang nakasalalay kaya pumayag na ako at pumirma para katunayang pumapayag akong maCS ❤️ nong time na yon wala na ako ibang maisip kundi mailigtas lang si baby kasi nawawala wala na heartbeat niya at yung heartbeat ko bumibilis ng bumibilis tinurokan nila ako ng pangpatulog para marelax daw ako ,wala akong ibang ginawa at inisip kundi sana maging maayos kaming pareho ...? After 1hour natapos din at nakaligtas si baby pero may infection na siya sa dugo at nagkaUTI narin need niyang mag-antibiotic for 1week ?? sobrang sakit bilang ina kasi nakikita mo yung anak mo tinuturokan araw araw ng antibiotic sa murang edad palang ?pero naging okay din siya !!! Napaisip tuloy ako na sobrang hirap pala ma C-section hindi ka makalakad ng maayos,andon pa yung hilo ka kapag uupo o tatayo ka ,hindi ka makagalaw ng maayos ,kapag may gusto kang abotin hindi mo maabot kasi nahihiya kang mag-utos sa bantay mo lalo na wala yung asawa mo sa oras ng nanganak at nangangailangan ka sa kanya ,hindi ka pwde kumaen hanggat hindi kapa nakapag 24hours after giving birth ,bawal tubig,bawal solid food ,kailangan soft food lang like lugaw,skyflakes andon na yung ramdam munang tuyo na ang lalamunan mo sa sobrang uhaw ? pero kinaya ko at natiis ko kasi kahit gaanong kahirap yung naranasan ko ang mahalaga may pang habang buhay na blessing na binigay si god sa akin ?? Ngayon 8days old na baby girl ko and nakaraos narin sa isang linggong gamotan.?

Trending na Tanong