Due..
Ang LMP ko sa pagkakatanda ko is September 13-18, 2018. Nung unang magpatransv ultrasound ako ang due date ko daw ay June 28, 2019. So, yun ang sinusunod namin ng ob ko kahit sa second ultrasound sabi naman is June 25, 2019. Ang bilang ko kung susundin yung unang ultrasound is 39 weeks and 5 days na ko today. Kaso kahapon nagpaBPS ako, sabi dun July 5 or July 9 ang due ko kung base sa September 13, 2018 na last period. Ano na mga mamsh? Hindi man lang humihilab tiyan ko. Ang humihilab sakin, hilab na pangconstipated. Naiinip na ko. Hirap na din ako bumangon kapag galing sa paghiga. Hirap tumayo pag galing sa pag-upo.