Gusto kong bumukod pero ayaw namn ng partner ko
Ang husband ko ay bunso sa kanilang pamilya, napag usapan na nila magkakapatid na sa kanilang bunso mapupuntang ang bahay, ngayon andito kami nakatira ngayon kasama papa nya, ang problema ayaw ko sa shared/common na bahay lagi namin tong pinag aawayan dahil ayaw ko tlga dito pero hindi nya maiwan iwan ang tatay nya. At ang problema pa mga apo nya, anak nya labas pasok ng bahay, kumukuha ng mga gamit ng walang paalam, pero pag pinag sabihan ko yung mga pamangkin nya na hindi tamang hindi nagpapaalam pag kumukuha ng gamit, inaway ba namn ako dhil ka age ko lang dn yung pamangkin nya na pinagsabihan ko. Sabi nya teritoryo dw nila ito, ito dw nakasanayan nila need dw ako mag adopt sa nakasanayan nila e ayaw ko. Willing namn akong umalis sa teritoryo nila dhil sa una pa lang ayaw ko na tlga dto gusto ko bumukod kami. Kaso ayaw ni hubby at ng tatay na na umalis kami/ako. Anong gagawin ko? Na stress na ako kung makikibagay nlang o ipaglalaban kong ang kagustohan ko na bumukod para may peace of mind. #sharedhouse #family