nakakapagod

ang hirap sa tao kapag walang napapala sayo lalo na pera, walang pakialam kung nasasaktan ka nya. nakakatrauma na yong pakiramdam. kung kaya ko lang suportahan financial mga anak ko, talaga aalisan namin tong lalakeng to. taong bahay lang kasi ako, walang trabaho, hindi ko sya matulungan sa pera kaya lahat ng gusto niya gawin ginagawa nya, mambabae, maglasing, umuwi kung kelan nya gustong umuwi. walang update kung asan sya lalo na pag inaabot ng gabi. walang pakialam kung naalala ako sa kanya, kung nag aantay ako. napapagod nako sa pakiramdam, sa sakit. pero wala akong magawa. 4mos pang buntis. parang pakiramdam ko konte na lang bibigay na isip ko.

1 Reply
 profile icon
Magsulat ng reply

Bago ka pa iwan ng isip mo mi, gawa ka na ng paraan para umalis dyan. Di naman deserve ng kahit sino ang trato niya sa iyo kawawa ka at mga anak mo kung ganyan ang ginagawa sa iyo. Ipakita mo na kaya mo at kakayanin mo kahit wala siya. Kaya siya ganyan kasi alam niya na wala kang magawa kung wala siya eh. Baliktarin mo. Ipakita mo na kaya mo kahit wala siya.

Magbasa pa