IN LAWS

Ang hirap pala talaga ano pag nakatira ka sa in laws mo lalo na pag si MIL nakikialam sa inyo mag-asawa at lalong-lalo na sa pagpapalaki ng anak niyo. Totally opposite yung gusto namin ni MIL. Yung parenting wishes and decisions namin ng asawa ko di nirerespeto. Kaka stress sobra. May issues na kami dati pero pinapalampas ko lang. Gusto niya kasi yung gusto niya lang masusunod kaya kahit pinagbabawal namin, ginawa niya padin. Di ko nga maiwan-iwan anak ko sa bahay lalo na kay MIL. Kaya imbes na mag-wowork ako after panganak kasi sabi ni MIL siya mag-aalaga, ayun di na mapanatag loob ko, kaya full time mom ako ngayon. Pero no regrets kasi natutukan ko paglaki ng anak ko. Si MIL alam naman niya yung crisis na nangyayari ngayon. Dapat masinop na sa pera lalo na't naka enhanced community quarantine tayo ngayon. Pero siya "dapat" daw bumili ng inflattable pool para kay baby, "dapat" bumili ng ganito, bumili ng ganyan! which di naman needs ni baby. Gusto niya lang bumili para may mai-upload sa fb para maipagyabang sa mga friends niya.? Like OMG! di naman niyan needs para maka survive for 1 month na naka lockdown. May mas mahalaga pang pag gastusan ng pera like foods and daily needs para maka survive. Na feel ko din na parang ako yung kontrabida sa anak namin. Ino-spoiled niya masyado anak namin which is isa sa mga pinaka ayaw ko na mangyari. Kung mag spoiled lang din naman, sana dapat sa kung ano lang kayang mabigay, hindi yung pinepressure yung sarili na mabigay lahat ng gusto sa bata. Di din naman kasi mayaman eh. Sakit sa ulo talaga. May same case po ba sakin dito mommies? Paano niyo pinakisamahan MIL niyo? Plano namin magbukod kahit rent lang muna. May taga Bulacan po ba dito na may alam na nagpa-rent ng house? Or even rent to own basta pwede lipat agad. Please help me mommies?

1 Reply
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Hello mommy. Tunay po mahirap pag may ibang kasama sa bahay. Mas ok pa rin talaga yung nakabukod. Naranasan ko din yan sa MIL ko nung dun pa kami tumigil. Dapat ganito ganyan. Sinasabi ko naman ung reason ko kung bakit ayaw ko nung mga gusto nya gawin sa baby ko. Pag minsan may concern din ako kay MIL, kinakausap ko si hubb ko, mahirap din ung maraming iniisip. Mabawasan kung baga kahit papano.

Magbasa pa