Ang Hirap

Ang hirap pala no kung immature ang Lip mo. May nararamdaman ka sa katawan mo, hindi mo masabi kase iniisip niya kaagad yung magagastos. Naiintindihan ko naman na wala pa siyang trabaho pero diba? Buntis ako at kailangan ko ng mga check-up. 26 yrs old siya at 23 naman ako. Akala ko, pag mas matanda sayo, mas matured. Hindi pala. Wala akong ibang maaasahan Broken Family kami at wala na akong Contact sa Papa ko. Yung mama ko naman, nasa Saudi. Nag aalala ako sa Baby ko kase mejo maselan pagbubuntis ko pero sinasabi sakin ng lip ko, "Hindi tayo mayaman para Magpa OB ka ng magpa OB". Hati naman kami sa gastos pero bakit ganun siya? May pinagawang lab test yung ob wala pa akong nagagawa. Balik sana namin sa 9 pero di na makakabalik kase nga gastos lang daw. Sa Center naman nagpapasama ako, wala daw kaming pamasahe pero may hawak siyang malaking pera pambili ng motor para daw makapag apply na siya ? haaays nakakasama ng loob .

58 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Nakakaiyak naman yan. Responsibility niya kayo. Ako personally, alam kong immature mag isip minsan yung partner ko pero once na may masakit sakin, siya pa nagsasabing magconsult kami sa OB. minsan after 2 weeks nasa OB na naman. 23 y/o dn ako at 27 siya. Keep praying sis. Try your best na ipaintindi sakanya na kailangan magpacheckup. para dn sa baby nyo yan. God bless

Magbasa pa