Ang Hirap

Ang hirap pala no kung immature ang Lip mo. May nararamdaman ka sa katawan mo, hindi mo masabi kase iniisip niya kaagad yung magagastos. Naiintindihan ko naman na wala pa siyang trabaho pero diba? Buntis ako at kailangan ko ng mga check-up. 26 yrs old siya at 23 naman ako. Akala ko, pag mas matanda sayo, mas matured. Hindi pala. Wala akong ibang maaasahan Broken Family kami at wala na akong Contact sa Papa ko. Yung mama ko naman, nasa Saudi. Nag aalala ako sa Baby ko kase mejo maselan pagbubuntis ko pero sinasabi sakin ng lip ko, "Hindi tayo mayaman para Magpa OB ka ng magpa OB". Hati naman kami sa gastos pero bakit ganun siya? May pinagawang lab test yung ob wala pa akong nagagawa. Balik sana namin sa 9 pero di na makakabalik kase nga gastos lang daw. Sa Center naman nagpapasama ako, wala daw kaming pamasahe pero may hawak siyang malaking pera pambili ng motor para daw makapag apply na siya ? haaays nakakasama ng loob .

58 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Ma sorry ha pero bobo niyang lip mo. Dapat alam niya na kailangan yang lab test and monthly check up para malaman kung healthy ka at si baby sa loob. Mahirap din manghula lalo pag may nararamdaman ka sa katawan. Advice ko lang ma kung may malapit na ospital jan dun kana lang pacheck up tutal libre and sa lab test ilapit mo sa swa para mabawasan kahit papano ipaintindi mo jan sa lip na mas mahalaga yang baby niyo kesa sa motor na plano niya jusko gigil niya ko.😂

Magbasa pa
6y ago

nako baka mamaya may mangyare pa sayo *wag naman sana* saka lang niya marerealize.