Ang Hirap

Ang hirap pala no kung immature ang Lip mo. May nararamdaman ka sa katawan mo, hindi mo masabi kase iniisip niya kaagad yung magagastos. Naiintindihan ko naman na wala pa siyang trabaho pero diba? Buntis ako at kailangan ko ng mga check-up. 26 yrs old siya at 23 naman ako. Akala ko, pag mas matanda sayo, mas matured. Hindi pala. Wala akong ibang maaasahan Broken Family kami at wala na akong Contact sa Papa ko. Yung mama ko naman, nasa Saudi. Nag aalala ako sa Baby ko kase mejo maselan pagbubuntis ko pero sinasabi sakin ng lip ko, "Hindi tayo mayaman para Magpa OB ka ng magpa OB". Hati naman kami sa gastos pero bakit ganun siya? May pinagawang lab test yung ob wala pa akong nagagawa. Balik sana namin sa 9 pero di na makakabalik kase nga gastos lang daw. Sa Center naman nagpapasama ako, wala daw kaming pamasahe pero may hawak siyang malaking pera pambili ng motor para daw makapag apply na siya ? haaays nakakasama ng loob .

58 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Ako sayo sis. Pumunta ka ng ikaw lang. Nangyari narin yan samin ng partner ko. Pero ang kaibahan lang maliit pa daw baby nmin sa tiyan at sayang lang daw ang pagpapaob namin, maghintay daw muna kami na mag 5 or 6 month tsaka kami magpa ultrasound. Nung nagreklamo siya sinabi ko na "sino bang magagastos ikaw ba?"

Magbasa pa
6y ago

No probs sis. Make a stand para sa inyo ni baby. Forever kawawa kayo kapag nakadepende ka kay lip mo.