Ang Hirap

Ang hirap pala no kung immature ang Lip mo. May nararamdaman ka sa katawan mo, hindi mo masabi kase iniisip niya kaagad yung magagastos. Naiintindihan ko naman na wala pa siyang trabaho pero diba? Buntis ako at kailangan ko ng mga check-up. 26 yrs old siya at 23 naman ako. Akala ko, pag mas matanda sayo, mas matured. Hindi pala. Wala akong ibang maaasahan Broken Family kami at wala na akong Contact sa Papa ko. Yung mama ko naman, nasa Saudi. Nag aalala ako sa Baby ko kase mejo maselan pagbubuntis ko pero sinasabi sakin ng lip ko, "Hindi tayo mayaman para Magpa OB ka ng magpa OB". Hati naman kami sa gastos pero bakit ganun siya? May pinagawang lab test yung ob wala pa akong nagagawa. Balik sana namin sa 9 pero di na makakabalik kase nga gastos lang daw. Sa Center naman nagpapasama ako, wala daw kaming pamasahe pero may hawak siyang malaking pera pambili ng motor para daw makapag apply na siya ? haaays nakakasama ng loob .

58 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

sabihin mo bubuntis buntisin ka ndi ka naman pala kayang sustentuhan. Ano un pagtapos buntisin un na un. sows mga utak naman yan oh. mahiya naman sya sa lip ko 23 yrs old. ako 24 sya pa nagagalit pag ndi ko gnagawa mga sinasabi ng OB .

TapFluencer

Pag-isipan mo na mabuti Sis if tama ba na ituloy mo pa pakikisama sa knya,di nmn materyal hinihingi mo para sa bata yan.Pede nmn ciang bumili ng motor pg me work na mas inuna pang isipin yan.Mas mahirap pg sa huli ang pagsisisi..

Grabe nman yan napaka walang kwenta ang tanda tanda na nya dapat responsable na sya. Tiis ka nlng at pag nakaraos ka at na kapanganak hanap ka ng work at iwan mo na yan. Mamaya anakan ka ulit tapos ganyan na nman sya.

kung di ka samahan ng lip mo sis .. much better ikaw na lang ang pumunta mag isa sa center just to take care of your baby .. atleast hindi ka nagkulang kay baby kahit pa hindi ganun ka supportive ang mister mo ☺️

Tell your partner about the importance of prenatal checkups. In your first trimester kelangan mo mgpalab test to see if may kelangan gamutin sayo. Just explain it fully. F d kaya mg budget you can go to center nlng.

Walang kwenta yang lip mo dapat magwork sya kc sya ang lalake. Di ka nalang sana nya binuntis kung wla syang pampacheck up. Umpisa palang yan pano kung nagaaral na yang anak mo. Wala syang diskarte sa buhay

VIP Member

Eh anak niya yan eh, malamang gagastos talaga siya... di ba nya inisip mas magastos pag lumabas na yang baby kasi marami nang needs ang baby dapat nag iipon na sya, uunahin pa ung motor??

Same Tayo pero Yung akin Wala Naman pera... Buti may health card ako pero Yung lab tests Hindi Naman covered, Kaya until now Wala pa lab test at TVS. Umaasa lang din sakin 😭

Naku yang ganyang mga lalaki. Gastos lang mahalaga. Mambubuntis tas di kya panindigan. Kung kaya mo naman, mas maganda magsolo ka na lang, di ka pa mastress sa kanya.

Same here.. nakatagal ako ng 11 yrs.. lagi nawawalan ng trabaho.. ako lagi inaasahan.. nasanay xa ng ganun.. kya umpisa plng wag mo ng pamihasain..