Dito nalang maglalabas ng hinaing

Hello! Ang dami kong hinaing. Ako yung tipo ng tao na pala-isip, emotional, pero hindi pala-open-up sa asawa ko. Ang problema ko kasi ang mother in law ko. Dito kami nakatira sa haus nila husband. Mama nya lang ang kasama namin dito pati pamangkin ni husband na 7 years old. Business minded ako. Lahat ng legal basta pagkakakitaan pinapasok ko. Ang problema ko, pag nasa office ako or dun kami nagsstay sa mama ko, ang mga income ko sa mga businesses ko like ice cream business ko sa house ng husband ko madalas hindi ko natatanggap at wala akong natatanggap. Mama nya lang ang naiiwan sa house nila. Sinong kukuha o gagamit? Okay lang naman if magsabi pero wala e. Pero hindi ako nagsasalita. Yun ang problema saakin. Hindi ako marunong mag open up o magsalita. Pangalawa, ang susi kasi ng room namin ni husband is dalawa. Isa saakin at ang isa na dapat ay sa asawa ko e iniiwan nya sa mama nya. Napansin ko lang na yung mga things ko, ginagamit ng mama nya at ng pamangkin ng husband ko na 7 years old. Ako yung tipo ng tao na ayaw na ayaw kong nakikita sa ibang tao ang gamit ko nang walang paalam. Very uneasy ang feeling ko ngayon. Galing kasi kami sa haus ng mama ko. Pag-uwi namin ng anak ko at ng asawa ko, suot nanaman ng mother in law ko ang isang terno pajama ko. Nung isang araw suot nya din ang isang pares na mickey mouse. Hindi ako makapag share sa asawa ko. Ang dami ko nang kinikimkim about sa mama nya. :( Ang hirap hirap naman :(

2 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Mas okay pa rin momsh na i-open up mo kay hubby. Or kung close naman kayo ni MIL, baka pwede mo na rin syang kausapin in a good way na maipaintindi mo yung side mo. Kasi kahit ako siguro, ayoko ng ganon. Pwede naman magpaalam kung kailangan talaga pero hindi yung makikita mo nalang na ginagamit na. Sa mag-asawa rin, nakapahalaga ng communication. Hindi pwedeng masanay ka po na sinasarili ang mga bagay bagay. Kasi baka hindi mo namamalayan, si hubby ganon din pala. I mean, you start communicating kahit sa maliliit na bagay like pag-usapan nyo lang bago kayo matulog yung nangyari sa inyo maghapon, ganon. So that, in every aspect, in every issue, dalawa kayo ang magdadala. Kaya nga po naging partner kayo e and kaya nga rin po na ang "dalawa" ay nagiging "isa".

Magbasa pa