Ask lang po
Ang Baby ko po ay 7 mons. and 23 days na. Nagsimula siyang kumain nung 6 months siya. Unang linggo po ng pagpapakain ko sa kanya, ay nakakapagpoop pa siya every after 2 days. Pero nung sumunod na linggo hanggang ngayon ay d na po normal ang pagpoop niya. Di po siya nakakapagpoop kung walang suppository, umaabot po ng 5 days or 1 week. Breastfeed ko po siya simula nung isilang ko siya hanggang ngayon. 2 days ko na pong d siya pinapakain ng puree. Pinapadede ko nalang po siya sakin baka sakaling bumalik yung normal na pagpoop. Nag iloveu massage na po ako, bicycle exercise, pinainum ko na po si Bb ng apple juice o pears juice nung nakaraan pero wala pa din pagbabago, pinakain ko din ng papaya puree.. wala pa din. Di ko agad mapacheck up dahil na din sa pandemic. Tanong ko lang po sana kung ANO GAGAWIN KO? ANO PO LUNAS PARA MAKAPAGPOOP NA SIYA GAYA NUNG DATI?
Momsy of 1 troublemaking prince