Baby not pooping
Hello mga momshi3, sino po sa inyo ang may baby na hindi nakaka poop ng walang suppository or hindi nakaka poop mag isa? yung baby ko kasi 2 mos na hindi sya nag popoop ng sya lang, need nya na may susundot sa pwet like supossitory or cottonbuds na may baby oil para mailabas nya ang poop nya. malambot naman yung poop pero d pa rin nya mailabas in a natural way. Simula mag 1 month sya di na sya dumudumi ng mga 5 days kaya lang nakakadumi ay gawa ng suppository ang sabi po kasi samen ng pedia nung ipacheck up namen kapag breastfeed at di dumudumi ng 3 to 5 days ok lang daw yun. pero pag lumampas constipated daw mag suppository daw. Kaya lang nag woworry ako kasi parang dumepende na si baby sa suppository 1month mahigit na sya di dumudumi ng mag isa. 5 days to 7 days interval bago ko lagyan ng suppository. Ngayun may pinapainom ako sa kanya reseta ng pedia nya, lactulose pampadumi at pampalambot daw ng poop pero wala pa rin. Pa 6 days na nya ulit di dumudumi . Kung meron sa inyo naka experience nito, ano po ginawa nyo para mag normal ulit pagpoop ni baby. Or may chance pa kaya na bumalik sa normal pag poop nya? dati naman everyday sya dumudumi. 🥺 Exclusive BF po si baby