Alam ng 3 years old ko sabihin kung siya ay nagagalit, natutuwa, excited, grumpy, etc. Although minsan hindi pa talaga accurate. I always do my best to validate my son's emotion lalo na yung mga negative.
Ang problema ko yung parents ko. Pag "grumpy" or "angry" ang anak ko parati nila sinasabi HINDI dapat ganun or BAD magalit.
Example: naiirita na anak ko sa kakakulit maxado ng papa ko. Tapos sasabihin ng anak ko nagagalit na daw siya at sasabihin ng lolo wag BAD MAGALIT. so idedefend ng anak ko "pwede magalit"
I accept na naiirita na xa and I'm quite glad na alam nya sabihin kung ano nararamdaman nya.
As a person na pinalaking invalidated ang emotions by my parents di ko alam kung paano ko sila dapat iapproach. Nagagalit kasi ako pag ginagawa nila sa anak ko kung pano nila ako na invalidate. I couldn't find the words na hindi sila masasaktan. So what i would always do kinakausap ko anak ko ng kaming dalawa lang at pinapaliwanag ko na okay lang yung nararamdaman nya. At lagi ko siya nireremind na mali ang manakit or mag tapon/manira ng toys pag galit.
#advicepls #firsttimemom #pleasehelp #VIParents #growingtogetherwithmom #3yrsold
Millennial Ina