Ako po yung nagpost about sa anak ko na biglang nawalan nalang ng gana kumain at niresetahan ng heraclene. Kanina po kasi tumawag kami sa pedia ni baby tinanong namin kung ano ba gagawin dahil nag aalala po kami ayaw parin po kasi kumain lalo na kanin. Kakain man, pili lang tapos lakas po dumede sakin. Ayun po, tinanong ng pedia kung nakapag pa x-ray na daw ba si baby sabi ng asawa ko hindi pa.. "kasi daw po baka may primary complex daw po si baby." Grbe para akong nanlumo. Posible po ba yun? Tsaka pwede naba ipa x-ray ang 1 year and 8 months? Naiiyak ako. Hindi ko alam kung saan ako nagkulang. ?After quarantine tsaka daw po kami pumunta sakanya. ?
Mitch Elle