Tanong lang po sino po dito naka experience na may high uti?

Ako po kasi mataas uti ko nagtake na ko ng antibiotics for 7 days tapos po nag pa urinalysis ulit para makita kung bumaba na ba sya. Pero yung result po is mataas pa din. Binigyan ulit ako ng midwife ko ng antibiotics for 3 days lang kasi nagtake na ko ng 7 days. Isang linggo na din nakalipas nung huli kong take nung antibiotics another 3 na naman ngayong binigay saken. Okay lang po ba yun? After take ko nun pahinga daw muna 2 weeks then pa urinalysis ulit kung bumaba na ba. Di lang po mataas uti ko nag 1+ yung protein ko kaya pinapaiwas sakin yung matatamis at maalat. Advice din sakin habang ginagamot yung uti ko inom ng inom ng madaming tubig and mag buko 3 times a week. Nag woworry po ako baka di bumaba yung uti ko kasi naka 7 days take na ko nun ng antibiotics tapos another 3 days naman ngayon. Nakakaworry din po for baby ko. Meron po na naka experience ng ganto?

22 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Momsh ilang wks kana ? Ako 19wks and 4days kami ni baby. Same tayo 2+ pa positive ko sa protien, as in sumasakit puson ko pag gumagalaw si baby kasi naninigas malikot na siya, nagpacheck up ako 2x ako positive padin sa uti ang taas kasi 10. Nagpacheck up ako sa hospital,masungit pa nga doctor e😆 anyway ang sabi nung OB kaya sumasakit daw puson ko gawa ng mataas ang uti, tapos kaya naman daw nagpapositive sa protien is gawa din ng uti. Ang pinagtataka ko bat ako nagka uti e mahilig ako sa tubig buko araw araw. Neresetahan ako ng Cefuroxime for 10days 2x a day un, katatapos ko lang nakaraang araw. Sakto Check up ko kahapon sa Lying in pinakita ko lahat ung result, pinag urinalysis ako nung midwife, and as per advice ng midwife and nung doctor pag umihi daw ako hugas mona tapos punas ako ng tissue then ung unang ihi pabayaan lang sa kalagitnaan na ng pag ihi dun kumuha ng sample para mas malinis,yun ang ginawa ko kahapon. Todo dasal ako na sana lord ok na result ko kasi ok naman na pakiramdam ko di na masakit galaw ni baby,breech din kasi si baby ko. and thanks god. 2 nalang ung sa puss cell ko, tapos pinagtutubig nalang ako palagi ng midwife and buko. tuloy ko lang daw ginagawa ko na palagi tubig ng tubig, tapos buko ng buko. and isa pa kailangan wag maalat sa kinakain, di maalat di matabang. Kaya mo yan mii.

Magbasa pa
3y ago

mii yong 1st urinalysis ko 2+, 2nd urinalysis ko 1+ padin. nag worry na talaga ako kasi naging 10 pus cell ko e. Nag buko lang ako mii every morning wala pa laman sikmura ko, kasi ung mga nawala kinagabihan na fluid pinapalitan ng electrolytes na galing sa buko yan,tapos every day sobrang dami kong iniinum na tubig kada kain mga 3-4 baso na tubig minsan 5,tapos sa hapon nagbubuko din ako. Iniwasan ko talaga maalat,lalo mga sawsawan toyo patis kahit ano. Thanks God Kahapon 2 nalang pus cell ko tapos yong trace na nakalagay sa protein advice saken ituloy ko lang yong ginagawa ko buko tubig. Di na masakit si baby gumalaw sa puson ko,pwera buyag malikot