Tanong lang po sino po dito naka experience na may high uti?

Ako po kasi mataas uti ko nagtake na ko ng antibiotics for 7 days tapos po nag pa urinalysis ulit para makita kung bumaba na ba sya. Pero yung result po is mataas pa din. Binigyan ulit ako ng midwife ko ng antibiotics for 3 days lang kasi nagtake na ko ng 7 days. Isang linggo na din nakalipas nung huli kong take nung antibiotics another 3 na naman ngayong binigay saken. Okay lang po ba yun? After take ko nun pahinga daw muna 2 weeks then pa urinalysis ulit kung bumaba na ba. Di lang po mataas uti ko nag 1+ yung protein ko kaya pinapaiwas sakin yung matatamis at maalat. Advice din sakin habang ginagamot yung uti ko inom ng inom ng madaming tubig and mag buko 3 times a week. Nag woworry po ako baka di bumaba yung uti ko kasi naka 7 days take na ko nun ng antibiotics tapos another 3 days naman ngayon. Nakakaworry din po for baby ko. Meron po na naka experience ng ganto?

22 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

ako sis nung 10weeks ang tyan ko nagka UTI ako ang taas, pinagtake din ako ng antibiotics for 7days and more water then nagbuko juice din ako. Bago ka umihi at pagkatapos mong umihi inom ka madaming tubig, tas sa umaga pagkagising mo inom ka buko juice. Ayun bumaba ang uti ko di na ko pinag take ng antibiotic more water water water nalang talaga and iwas din sa maaalat na pagkain.

Magbasa pa