Tanong lang po sino po dito naka experience na may high uti?

Ako po kasi mataas uti ko nagtake na ko ng antibiotics for 7 days tapos po nag pa urinalysis ulit para makita kung bumaba na ba sya. Pero yung result po is mataas pa din. Binigyan ulit ako ng midwife ko ng antibiotics for 3 days lang kasi nagtake na ko ng 7 days. Isang linggo na din nakalipas nung huli kong take nung antibiotics another 3 na naman ngayong binigay saken. Okay lang po ba yun? After take ko nun pahinga daw muna 2 weeks then pa urinalysis ulit kung bumaba na ba. Di lang po mataas uti ko nag 1+ yung protein ko kaya pinapaiwas sakin yung matatamis at maalat. Advice din sakin habang ginagamot yung uti ko inom ng inom ng madaming tubig and mag buko 3 times a week. Nag woworry po ako baka di bumaba yung uti ko kasi naka 7 days take na ko nun ng antibiotics tapos another 3 days naman ngayon. Nakakaworry din po for baby ko. Meron po na naka experience ng ganto?

22 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Nakunan ako last year lang dahil sa UTI, Sobrang daming bacteria na pala, nung malala na dun ko lang naramdaman, tumagal lang ng isang buong Araw nilabas ko ng kulang sa buwan si Baby .. 6 months lang sya kaya di tumagal . Ngayon preggy ulit , pero di parin nawawala UTI ko . Pinayuhan na ko na magpaUrine culture test, may resistance na daw ako sa gamot na binibigay sakin, kaya binigyan ako ng ibang gamot .. Under Med parin ako now . Dapat po mag pasecond opinion kayo sa Ob na talaga ..

Magbasa pa
3y ago

isa daw po sa rare na bacteria ang meron ako sa ihi ko, marami ding gamot ang may resistance na daw ako kaya walang effect .. kaya kahit umiinom ako ng madaming tubig at nag gagamot ako walang effect .. tas nag reseta po sakin ng specific na gamot