Tanong lang po sino po dito naka experience na may high uti?

Ako po kasi mataas uti ko nagtake na ko ng antibiotics for 7 days tapos po nag pa urinalysis ulit para makita kung bumaba na ba sya. Pero yung result po is mataas pa din. Binigyan ulit ako ng midwife ko ng antibiotics for 3 days lang kasi nagtake na ko ng 7 days. Isang linggo na din nakalipas nung huli kong take nung antibiotics another 3 na naman ngayong binigay saken. Okay lang po ba yun? After take ko nun pahinga daw muna 2 weeks then pa urinalysis ulit kung bumaba na ba. Di lang po mataas uti ko nag 1+ yung protein ko kaya pinapaiwas sakin yung matatamis at maalat. Advice din sakin habang ginagamot yung uti ko inom ng inom ng madaming tubig and mag buko 3 times a week. Nag woworry po ako baka di bumaba yung uti ko kasi naka 7 days take na ko nun ng antibiotics tapos another 3 days naman ngayon. Nakakaworry din po for baby ko. Meron po na naka experience ng ganto?

22 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Ako po 19 weeks and 5 days preggy. Nag ka uti din po ako nitong mga 17 weeks ko. Nag 30-35 yung pus cells ko. Kaya pumunta na agad ako kay OB. At nirestahan nya ko ng antibiotics. 2 weeks nya kong pinag take nun. Hanggang sa maubos yun. Tas inom lang ako ng inom 8-10 glasses everyday at buko lang din ako ng buko. Tas nag pa urinalysis na ko nung isang araw. Thank god. Nag 1-2 na pus cells ko sobrang laki ng ibinaba nag normal na sya. Check up ko nung isang araw sa OB ko at ang sabi nya ano yung mga ginawa ko para bumaba at mag normal, sabi ko sinunod ko lang po yung advice nyo doc. Unimon ng tubig 8-10 glasses wag kumain ng maalat at matamis. Tas uminom ng buko. Halos lahay ng pagkain ko hindi inaalatan laging kumain ng prutas at gulay lang. Wag kumain preservatives. Iwas talaga mommy para kay baby kasi mahirap magka infection dapat i maintaine ko na daw yun kasi delikado para kay baby. Kahit naman daw wag ka mag buko araw araw pa minsan minsan lang kasi mas magastos daw sabi ng Ob ko. Mahalaga tubig lang talaga ng tubig. Sana maging ok kana po. Tubig lang ng tubig mommy.

Magbasa pa
3y ago

mii kelan due date mo ? 19wks and 6 days ako via lmp ko, pero sa 1st utz ko 18wks and 6 days.