Tanong lang po sino po dito naka experience na may high uti?

Ako po kasi mataas uti ko nagtake na ko ng antibiotics for 7 days tapos po nag pa urinalysis ulit para makita kung bumaba na ba sya. Pero yung result po is mataas pa din. Binigyan ulit ako ng midwife ko ng antibiotics for 3 days lang kasi nagtake na ko ng 7 days. Isang linggo na din nakalipas nung huli kong take nung antibiotics another 3 na naman ngayong binigay saken. Okay lang po ba yun? After take ko nun pahinga daw muna 2 weeks then pa urinalysis ulit kung bumaba na ba. Di lang po mataas uti ko nag 1+ yung protein ko kaya pinapaiwas sakin yung matatamis at maalat. Advice din sakin habang ginagamot yung uti ko inom ng inom ng madaming tubig and mag buko 3 times a week. Nag woworry po ako baka di bumaba yung uti ko kasi naka 7 days take na ko nun ng antibiotics tapos another 3 days naman ngayon. Nakakaworry din po for baby ko. Meron po na naka experience ng ganto?

22 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Ako nga di na nawala uti ko.. Pang 4th test ko na to kahit naka ilang inum na ako ng tubig at buko juice. Same tayo me. Amoxicilin, cloxacillin and monurol pinainum sakin. Di ko alam ano next ng ob ko ngayon.

3y ago

magpaurine culture ka po dun kc Makita kung anong bacteria nasa ihi mo tsaka ka nila reresitahan Ng tamang antibiotics medyo may pagkapricey nga lng po ako kc ganun den 2400 po dun sa hospital dko lng sure sa iba baka mas mura