Bulag na Pagmamahal (Part 2)
Hi ako nga pala ulit si Elle kung nabasa nyo po dati yung kwento ko maiintindihan nyo po istorya ko ,Pasensya na sa mga comment nyo nun na hindi ko sinunod ,Oo sobrang tanga ko dahil binalikan ko asawa ko ,Tama kayo kumuha nga ako ng bato na ipukpok ko lang sa ulo ko ,Gusto ko na hiwalayan asawa ko kaso iniintindi ko ngayon yung pandemic ,So nandito kami sa bahay ng magulang ng asawa ko sobrang nahihirapan ako makisama bukod sa kunsintidora nanay niya ,May bisyo asawa ko sa alak sobrang sumama loob ko sa tuwing parang mas gusto pa niya kasama mga kainuman niya,So fastforward nga kaya kami nandito sa bahay ng magulang niya dahil nagkasagutan sila ng magulang ko sa pag inom niya dahil gabi na umiinom pa at pinagsabihan ng papa ko na itigil na kundi ipapabaranggay ko kayo so naginit ulo ng asawa ko at nasagot niya papa ko kaya nandito kami na ngayon sa magulang ng asawa ko ,mas gusto ko pa samin kasi nakatira kami sa paupahan ng nanay ko at di naman kami nagbabayad nagagawa namin gusto ng baby namin na magingay siya at maglaro ,eh dito sakanila halos lagi niya PALUIN ANG BABY KO NA 1 YEARS OLD SUMARAP LANG TULOG NIYA kahit nun pa lagi niya eto hinehele ng malakas makatulog lang sobrang awa ko na sa baby ko hindi ko alam kung may sayad ba to asawa ko ,nagtalo kami kanina dahil natrauma na ako sa ginawa niya nun na sinaktan niya ako buhat ko baby ko nun at hinampas niya din baby ko nung bagong panganak ko hindi ko alam bakit ganun siya maginit ng ulo sobrang trauma ko talaga,Gusto ko na umuwi saamin gusto ko sumaya mas gusto ko pa saamin dahil inaasikaso ako nang nanay ko at mahal na mahal niya apo niya natutukan pa ng mama ko anak namin dahil gusto ko na mag work pero ayaw niya ipaalaga sa magulang ko ,gusto ko na humiwalay sa asawa ko dahil baka mamaya masaktan niya ako katulad kanina tinatakot niya ako na susuntukin niya ako sa mukha sobra laki ng trauma ko natatakot ako .Feeling ko hindi na ako masaya sa kanya gusto ko na kumawala dahil sa pinaggagawa niya ni hindi ko maramdaman na TATAY SIYA SA ANAK NAMIN .ni minsan paglilinis ng dumi napaka arte niya pagpapaligo di niya magawa pag papatahan tapos pag di niya mapatahan sinisigawan niya kinukurot at sinasaktan anak namin ,hindi na ako sasaya sa ganitong relasyon na meron kami . #ElleStory