😭Hydrops Fetalis
Ako naman sobrang sakit po ng pinagdaraanan ko ngayon...21 weeks na po baby ko at nakita sa ultrasound na may hydrops fetalis sya..hindi ko po matanggap na ganito baby ko..waiting nalang daw po ako na mawala heartbeat nya..pero umaasa parin po ako na magiging okay sya as long as may heartbeat pa..sino po nakaranas ng ganito?pls share po..i need your support po.😭

Hi mommy I experienced it sa 2nd baby namin, possible cause ng hydrops fetalis ay may problem sa heart si baby. Nalaman ko at our 22-24weeks thru CAS ultrasound na butas yung isang chamber ng heart ni baby and malaki yung heart nya 70% ng dibdib nya puro heart and my OB told me na anytime nga pwede sya mawalan ng heart beat at talagang mag mamanas sya kasi ganun yung mga nangyayari sa mga may problem sa heart, nag mamanas. 5 months pa lang akong buntis alam ko na yun and ang hirap lang tanggapin kahit minsan pinapalakas ko yung loob ko I still hope na sana masurvive ni baby. Kay God lang kami kumapit ni Hubby we undergone counseling din with our Spiritual mother and father para maintindihan kung bakit nag kakaganun. Everyday may assurance ako kay baby na okay sya inside dahil once na minulat ko mata ko sa umaga sisipa sya. Hindi ganun kalakas yung movements compared sa mga baby na normal and walang anomaly pero nararamdaman ko na okay sya at lumalaban sya. At my 28 weeks to 34 weeks naging weekly yung check up ko kay OB kasi nga minomonitor si baby and nakita nya na nag start na sya mag manas sa tyan nya and batok and that’s the signal talaga na anytime pwede na sya talaga tumigil so binigyan nya kami options kung gusto namin mag pa cs para makita si baby ng buhay or ipag papasa Diyos na lang kung aabot sya na buhay pag nanganak ako. At first sabi namin try namin normal pero after a while sabi namin cs na lang para makita namin sya na gumagalaw dahil sabi din ni OB hours lang din ang tinatagal ng ganung case complicated kasi masyado case nya. Almost 36 weeks na ko September 1 papa admit na ko sa ER para september 2, 2021 cs na ko. Habang nasa ER ako may mga nirun na test and xray kasi pandemic pa, hinanap yung heartbeat ni baby gamit doppler ilang minutes din yun pero wala na sila mahanap ang sabi ko sa nurse and resident doctor nararamdaman ko sya na gumagalaw kaya baka sira lang doppler nila. Hanggang tumagal ng almost an hour kaka doppler ala talaga tinawagan na nila si OB and nag request ako ng ultrasound kasi nga sabi ko baka sira doppler and I still can feel my baby. While waiting sa OB ko kasi sya din mag ultrasound sakin, nag ppray ako sa Lord na iready yung heart ko na iready ako emotionally na sana matanggap ko yung result sa ultrasound. Kapag inuultrasound ako ng OB ko nakikita agad yung heart ni baby na tumitibok kasi nga malaki yung heart nya, pero that night nung inultrasound wala na, wala na talagang heartbeat si baby di na gumagalaw yung puso nya. Siguro ayaw nya lang din ako ma cs dahil mahihirapan ako mag pagaling habang nag mmove on dahil di ko sya kasamang uuwi. Ang bait lang din ng angel namin dahil talagang lumaban sya e pero nung alam nya na masasaktan akk dahil sa cs talagang nag give way sya para di ako mahirapan ng sobra. Nainormal ko si baby september 3 pero di talaga sya gumalaw. Hindi ko din nakita yung face nya mga braso nya lang na walang buhay pag labas nya tas sabi ko patulugin na ko kasi naiiyak na talaga ako. Ang sakit sakit pala talaga mawalan ng anak, baby pa lang sya pero nawala na sya agad kaya bga sabi nila wala talaga sa idad kung hanggang kailan ka dito sa mundo. Sis ang ma aadvice ko lang sayo pray ka lang ng pray if may mga tao dyan na kaya ka support spiritually please seek help din sa kanila. Sobrang mahal lang talaga ni Lord ang mga baby natin kaya ganyan sobrang perfect nila kaya gusto nya din maksama agad. Tatagan mo lang loob mo din sis may plan ang Lord. If para sayo si baby ibibigay sya sayo ni God.
Magbasa pa

FTM.