Nangangayayat
Ako lang poba ung preggy dito na imbes na tumaba e mas pumapayat pa? naawa po ako sa baby ko, 8weeks pregnant nako pero hirap na hirap ako kumain. Maarte nako sa pagkain kaya wala gaanong laman tyan ko. Naiinggit ako sa mga ibang buntis, sila tumataba kase kain ng kain unlike akoas bumaba na timbang ko ??? May kagaya ba ako Jan? help naman po
1st trimester mo plang.ganyan din ako nong 1st trim ko.bagsak ang timbang,mag gagain ka after nyan mommy,basta inom lng ng vitamins at more water,fruits at vegetables..
THANK YOU PO SA LAHAT NG COMMENTS AT SA PAYO NYO...❤️ THIS APPS HELPS ME A LOT PO😇 MARAMING SALAMAT SA MGA SAGOT NYO... GUMAAN NAPO PAKIRAMDAM KO DAHIL SA INYO
Bawi lang sa 2nd tri sis. Ganyan din ako nung 1st tri ko. Konting kain, suka na agad. Pero kumakain parin ako para kay baby kahit papano. Ngayong 2nd tri ko, gutumin na ako
Same case sis. Ganyan din ako nung 1st trimester ko maselan ako sa pagkain kaya ang laki din ng pinayat ko. Dont worry makakabawi ka din pag 2nd tri kana. ☺️
me sis till now napaka selan pa din sa pagkain 5months going 6months na ko pero timbang ko pababa pa fin, pero tinatry ko kumain lalo na mga prutas at gatas
1st trimester PA Lang naman momsh. Ganyan talaga. Ako nga 24 weeks na pero di pa rin nadagdagan weight ko. Pero naman malaki naman po tiyan ko. 😊
After first trimester makakabawi ka na din, ganyan talaga sa umpisa kapag maselan ka papayat ka. Bawi ka na lang after gagana ka na kumain.
Ganyan po ako sa una lalo na pag naglilihi, pag tapos narin po sa paglilihi magiging takawin kana dun ka lang makakabwi sa pagkain .
Ganyan din ako, sobrang payat ko nun dahil maselan din ako mag lihi. Pag pasok ko ng 4 months lumakas na ko kumain, bumbawi bawi na ng konti
Okey lang yan aki ng 1-5 mos d ako tumaba i d dn nakin puro suka peru pag tungtung bg 6mos ko smula n ng kain ko naglilihi k pa ksi mamsh
First time mommy ❤️