Inverted Nipple

Ako lang po ba? Ako lang po ba yung gustung-gusto magpabreastfeed kay baby kaso inverted nipple ako? πŸ˜₯ Mga momsh please help po kung paano mapadede si baby kahit inverted nipple?? Paano po mapausli yung nipple? Minsan naiiyak nalang talaga ko pagnakakarinig sa pinsan o tita ko na kesyo wag ko daw pilitin yung bata na padedehin sakin, timplahan nalang. Please any advise mga mommy πŸ₯ΊπŸ˜­ 1week old na po si baby. #advicepls #theasianparentph

35 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Hello momsh! Try mo yung nipple puller nabibili sa shopee at lazada. Or kahit ipasipsip mo lang ng ipasipsip kay baby lalabas din yan. Trust me ganyang ganyan din po ako.. So far happy ako ngayon kasi na be breastfeed ko si baby ngayon 3mos breastfeeding mom na ko.. At wala pa din makakapalit sa gatas ng ina.

Magbasa pa
5y ago

Naiyak po siya pagpinipilit na ipasupsop sa kanya πŸ˜”πŸ˜”