Inverted Nipple

Ako lang po ba? Ako lang po ba yung gustung-gusto magpabreastfeed kay baby kaso inverted nipple ako? 😥 Mga momsh please help po kung paano mapadede si baby kahit inverted nipple?? Paano po mapausli yung nipple? Minsan naiiyak nalang talaga ko pagnakakarinig sa pinsan o tita ko na kesyo wag ko daw pilitin yung bata na padedehin sakin, timplahan nalang. Please any advise mga mommy 🥺😭 1week old na po si baby. #advicepls #theasianparentph

35 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Inverted nipple din po dati. Halos 1 week kami nag iyakan ng baby ko dahil hindi sya maka dede ng maayos tapos ako naman po eh naaawa sa kanya. Hehe pero tyagaan lang po. Nung naging ok na, nagulat po ako sobra dami ng supply ko ng milk. Nakapag breastfeed po ako for 2years. Inadvise din po ako ng OB ko dati na ipa suck daw po sa partner para mas mabilis lumabas yung sa nipples. Gumamit din po ako nun ng manual breast pump.

Magbasa pa