39 weeks 3days
Ako lang ba yung nanay na nafufrustrate, yung nagawa mo na halos lahat ng pagtatagtag, exercise, primrose, luya with paminta, chuckie, pineapple, bembang kay mister pero wala pa din. 1cm na nung Sep. 5 pero wala pa din tuloy tuloy na contraction 😭Napapagod na ako magtry.

kalmahan mo lang mi, ang baby talaga magtritrigger niyan kung gusto lumabas na or hindi pa. kaya dapat relax ka muna, kasi pag pinagod mo sarili mo baka pag true labor na wala kana lakas. ako, due ko sa sept. 27 pa... 37 weeks lang ako baby out na. 6 days na siya ngayon. una false labor, then saturday pumutok na panubigan ko... monitor lang ako habang updated si doc, by sunday ganun padin leaking then may mild contractions na. by monday, lumalala na contractions ko... pero tuloy padin ako sa mga gawaing bahay at asikaso sa mga bata pag school habang minomonitor ko contractions, symptoms at durations. then sabi ni doc pag nag 3-5 mins na interval ng sakit tsaka na ko pumunta ng hospital. bago ako pumunta nakaligo pa ko, nakapagligpit, nadouble check lahat ng dadalhin... pagdating ko hospital 8cm na ko, crowning na daw. kaya wala pa 1 hour out na si baby.
Magbasa pa

