13 Replies

kalmahan mo lang mi, ang baby talaga magtritrigger niyan kung gusto lumabas na or hindi pa. kaya dapat relax ka muna, kasi pag pinagod mo sarili mo baka pag true labor na wala kana lakas. ako, due ko sa sept. 27 pa... 37 weeks lang ako baby out na. 6 days na siya ngayon. una false labor, then saturday pumutok na panubigan ko... monitor lang ako habang updated si doc, by sunday ganun padin leaking then may mild contractions na. by monday, lumalala na contractions ko... pero tuloy padin ako sa mga gawaing bahay at asikaso sa mga bata pag school habang minomonitor ko contractions, symptoms at durations. then sabi ni doc pag nag 3-5 mins na interval ng sakit tsaka na ko pumunta ng hospital. bago ako pumunta nakaligo pa ko, nakapagligpit, nadouble check lahat ng dadalhin... pagdating ko hospital 8cm na ko, crowning na daw. kaya wala pa 1 hour out na si baby.

kumusta my, nakaraos na ba? ako 39 w and 6days nagpahinga na lng ako kasi kahit anong walking at exercise mga pineapple and luya wala parin kaya sept 3 nagrest lng talaga ako. nagleave na ko sa work at tambay sa bahay. then sept 4 ng madaling araw may dugo na lumabas then false labor. mga 9am mucus plug out pero ganon parin sa may bandang pus on lng ang sumasakit. pagpacheck namin 2cm na. then more mucus out maghapon. then mga 10pm sobrang sakit na pero pagpacheck namin ulit is fully dilated na ko. relax lang my para hnd stress si baby sa loob

Sanaol mi. For induced na ako bukas mi saltong due date ko di na daw pwede lumagpas kasi diagnosed ako ng GDM 🥹

hello wag magpaka stress na gusto mong lumabas si baby. kase si baby mismo ang lalabas nyan once na araw nya na talaga lumabas. kase kapag stress ang mommy pati din si baby ma stress din sa loob. do your regular household choirs and daily routine mo para iwas stress kausapin mo din si baby. ako 38 weeks and 6 days until now close cervix no cm pa.

Kamusta po? Nakaraos kana po? 38+2 naman ako

VIP Member

same mi 40. weeks And 4 days n ko 2-3 cm daw Ako naka ilang balik n kame s ER kasi grabe false labor ko matagal Ng ilang Oras sobrang sakit pero lagi kame pinauuwi kahapon galing kame sa ospital try n ob I open cervix ko at may lumabas n dugo until now may nalabas n dugo pero hind na hilab ang tyan ko 😭

Grabe nga mi tong false labor na to, di magtuloy tuloy 🥺 Kapagod na ang bigat ng katawan lagi pa gutom. Di pa sinuggest sayo mi ang induced?

me too mommy 39weeks and 3days na super stress Nako dahil Sept.4 2cm na until now walang hilab na nararamdaman puro paninigas lang ng tummy Araw Araw at Gabi gabi. Napapaisip Ako baka Kako mmya biglang makapupu Si baby sa tummy mas mahirap na

same mii 39weeks&1day close cervix paden aq manas na manas naden paa q kahit more more exercise naman aq lahat nadin ginagawa ko luya pineapple fruits pineapple juice chuckie kung ano ano na wala paden talaga

ako po lumabas si baby saktong 41 weeks... etong sumunod na pinagbuntis ko 38 weeks and 4 days.. relax lng mga mi... basta active si baby no worries lalabas at lalabas siya

same mi. 1cm ako kagabi . hanggang nagun 1cm parin😌 sana mag tuloy tuloy na para makaraos na tayo 39weeks &1day

Sana nga mi makaraos na, ang hirap na kasi pigilan yung sobrang gutom nakakatakot baka biglang laki na ni baby di na mainormal 😭 Baka magask na lang ako bukas sa checkup ko ng painduce 🥹

Hindi ka nag iisa 🤣🤣39 weeks 3 days na din Ako nagawa na lahat lahat😅

Same mi. Panay tigas lng ng tyan ko, pero di nmn nagtutuloy sa labor 😢

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles