Postpartum??

Ako lang ba na minsan ayoko sa anak ko? Na kung minsan kung umiiyak naririndi ako at gusto ko na lang siya iwan sa kwarto na umiiyak kasi naiingayan ako tsaka my time din na tinitingnan ko sya na umiiyak at paranh gusto ko sya lagyan nglampin o di kaya unan sa mukha para tumahimik lang siya? Tsaka pagkarga2 ko siya tsaka ayaw tumigil sa kakalikot prang gusto ko nalang sya igapos sa bisig ko na mahigpit. Ayoko na rin na ngbbfeed sya sakin kasi everytime na ngdedede sya lagi syang naggrunt na parang konti lang gatas ko tsaka lagi niyang pinupull yunh sus* which is napakasakit na parang gusto2 ko tlaga siyang saktan. Kasi bago ako mabuntis, sobrang unstable ng mental health ko. Tapos nung nalaman ko na buntis ko parang lumalala, I even think na ipalaglag to pero nakokonsensya ako at malaking kasalanan sa taas. Tpos nung nanganak ako, parang di ko pa matanggap na nanay na ako, lumalala pa na dito lang ako palagi sa bahay hindi makagala bantay lang ng bata napapabayaan na ang sarili dahil sa kanya na parang sinisisi ko sya sa lahat at parang nagiging utak kriminal ako kapag nakikita ko anak ko na umiiyak. #advicepls #help #postpartum #csmom #TeamOctober

18 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

hello mii.. gnyan na gnyan ako sa first baby ko,lalo na kpg Gabi at mgisa Lang ako ngaalaga sknya,gusto ko sya ihagis kpg umiiyak pero pinipiLit ko ikaLma sariLi ko at tinititigan ko anak ko,niyayakap ko sya hanggang sa maging ok na ako .. irelax mo Lagi sariLi mo at isipin mo Kung ganu mo sya kamahaL ..

Magbasa pa

Mommy same po tayo grabe talaga PPD ko gusto kong magpa check up sa psychiatric kasi naririndi din ako kay baby tas napalo ko sya minsan 😭 peru ngayon po hindi na palagi akong nag pray kay God na hindi na magpapadala ksi naaawa na ako sa baby ko 😭😭😭

mommy, seek for help asap.. post partum depression na po yan.. baka po anong magawa nyo kay baby na pagsisisihan nyo sa huli.. yakap na mahigpit mommy! hindi talaga biro ang pagiging nanay, sana malagpasan nyo po ito na stage.

take medication, you can ask help sa mga experts. Kausapin mo din family mo need mo ng support, emotionally, mentally, physically. Sobrang exhausted kana wag mo hayaang mas lalong lumala ang mental health mo kawawa ang baby mo.

VIP Member

Hello mommy, pinaka effective pong gawin natin is keep praying palagi po tayo mag dasal, ni minsan hindi naman po tayo pinabayaan ni Lord. He's always there po in any kind of situation. 😇❤️

wala ka po ba katuwang mommy? need mo po may makausap or mag pa consult kana kasi baka ano magawa mo kay baby, kawawa po sya wala pa sya kamalay malay.

seek help. kawawa baby mo wlang kamalay malay. ipa adopt mo nlng kung ayaw mo sa kanya kesa mapatay mo pa yang bata.

Hindi ka sana bumukaka kung ayaw mo ng anak. Gumamit ka sana ng proteksyon nung nakikipagtsugtsugan ka sa tatay ng anak mo.

3y ago

isa na namang insensitive na comment, na sa konting post ng tao parang alam yung whole story ng ng post. tsk tsk