Depression
Ako lang ba dito yung nalabas ang depression sa madaling araw like ngayon 2am iiyak ng palihim..1month and 2weeks palang baby ko 3weeks palang sya napansin ko na parang may halak sya then 3days before sya mag 1month pinacheck up ko..4meds nireseta sa kanya..tsaka ko nalaman kapag nag papabreastfeed ka maiiwasan ang sipon ubo or mga pangunahing sakit para sa newborn kaya sinisisi ko sarili ko bakit di ko kaya mag pa breastfeed ang sakit sakit lang sa feeling na magigising ako ng ganitong oras para timplahan ng milk si baby tapos mararamdaman ko yung halak nya at hirap sya huminga habang karga ko sya..yung gamot naubos na pero yung sakit ng baby ko parang di naman natanggal..gusto ko sya dalhin sa pedia pero dahil sa takot ko sa pandemic na to hindi ko magawa..wala narin kami budget para mapacheck up si baby kasi kakabalik lang ng asawa ko sa trabaho..ang sakit lang bilang nanay na wala akong magawa para sa anak ko..tapos wala ka makuhang comfort sa asawa mo..imbes na tulungan ka sa pag aalaga puro ML inaatupag nya!!!! madalas na ko matulog ng hindi sya kinikibo kahit pa sabihin ko sa kanya mga rant ko ang lagi nya lang sagot "to naman parang ewan" di ko na alam gagawin ko mga momsh FTM ako..minsan nakakaisip na ko di maganda πππlalo lang ako nadedepress. help naman po ano dapat ko gawin.