Tama bang hingan ng share sa pagkain ang nakapisan na magulang at kapatid?

Hi, ako ay may asawa at limang anak at nakatira kami sa iisang bahay kasama ang aking nanay at bunsong kapatid ko na may isang anak, walang asawa at may trabaho naman. Ang nanay ko at kapatid ay nagaabot naman ng pandagdag sa pambili ng ulam namin kung may pera sila. Kapag alam kong wala silang pera ay di naman ako nanghihingi. Para sa akin ay parang hindi naman tama na humingi ako sa kanila ng pambili ng pagkain namin dahil mas marami kami at gasino lang naman ang kanilang kinakain. Ito ang lagi naming pinagaawayang magasawa. Sinasabi ng asawa ko na puro daw pamilya ko ang iniisip ko. Kulang na daw ang budget namin para idamay pa sa pagkain ang nanay at kapatid ko. Dapat daw ay humiwalay sila ng pagkain sa amin. Para sa akin hindi ko maaatim na gawin yun sa nanay at kapatid ko lalo na.at nasa iisang bahay lang kami. Hindi ganun ang pamilya. Lagi kung sinasabi sa asawa ko, e kung tira sa amin ang magulang at kapatid nya, pagbabayarin nya rin sa pagkain? Mali ba ako? Sobrang possesive din ng asawa ko, ayaw nyang sobrang close ako sa family ko. Kaiinisan nya yung mga taong kinagigiliwan ko.

1 Reply
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Hi mommy! Bakit po sa inyo nakatira ang nanay at kapatid mo? Ang bahay po ba ay sa inyong mag asawa? Nung tumira po ba sila sa inyo, nagkaroon po ba kayo ng kasunduan ng asawa mo kung papano ang mga gastusin? For me, may point po si hubby na kelangan may tapong sila sa pagkain or sa kahit anong gastusin sa bahay. Hindi sa nagiging madamot kayo or what pero since may work din naman ang kapatid nyo mas mabuti na may share sila kase nakikitira pa din sila sa inyo. Not a good idea if hihiwalay pa sila ng pagluluto ng pagkain nila pero yung pagbibigay ng share for example po sa bigas or monthly may toka silang certain amount po para na din mailaan nyong mag asawa ang ibang budget para sa mga emergency nyo lalo’t 5 po ang anak nyo. Pag usapan nyo pong mabuti ni hubby mommy. Di lang po siguro nya maiparating ng maayos sa isa’t isa ang point nyo. Mas mabuti pa din pong mapag usapan ng maayos and intindihin nyo po ang side ng isa’t isa to come up with a good decision na lahat po magbebenefit.

Magbasa pa
4y ago

Hi Momshie Maui, thanks sa advise mo. Actually, nirerent lang ng family namin yung haus, nung nagasawa ako dito tumira , share share kami sa renta, tubig at ilaw. 3 na lang kaming magkakapatid at si Nanay na lang ang magulang ko. Nagsishare naman sila sa pambili ng ulam, minsan lang wala pag wala talagang pera. Minsan naiisip kong ilista ang bawat inaabot nila nanay para may record ako kasi pag nagaaway kaming magasawa ipipilit nya na laging kami ang gumagastos sa pagkain which is not true. Para sa kin, di dapat pinagdadamutan sa pagkain ang nanay at kapatid. Kahit pa humiwalay kami ng pagkain, magaabot pa rin ako ng isang tasa ng ulam na niluto ko sa kanila. Di ko maaatim na ako kumakain tapos ang nanay ko e hindi. Baka mangyari din sa kin, pag nagkapamilya ang mga anak ko at mapatira ako e singilin ako sa kakainin ko.