37weeks 4days... (mahaba-habang kwentuhan)

Akala ko nung una, "Braxton Hicks Contractions" lang yung nararamdaman ko... At exact 10:18am i started to monitor the contractions... Since mejo mataas naman tolerance ko sa pain, di ako nag punta sa midwife ko until 1pm, akala ko kase talaga wala lang and kung labor man, ang nasa isip ko the following day pa ako manganganak... So yun na nga, pag dating ko sa lying in, sakto na nag contract ako sa harap ng midwife ko, tinanong nya ako agad kung nasaan gamit ko... Sabi ko nasa bahay pa, which is true kase sarili ko lang talaga dala that time. ? (Si hubby pauwi na from work) nagpa-IE na agad ako, i was expecting 1-3cm only but my midwife told me i was already 6-7cm... Dali dali na akong umuwi to get my things. Sakto pag dating ko sa bahay nandun na si hubby, ready na para sumunod sakin, pero nag stay pa kami ng almost half an hour sa bahay kase may dalawa pa akong kids na maiiwan... So nag bilin na ako ng kung ano ano... Nagawa ko pang mag squats during contractions... Pag balik namin ng Lying-in prepared na lahat, iire na lang ako, kaso mejo matagal pa akong naglabor dun... Fast forward, alam kong mejo wala na kwenta nashi-share ko...??✌? After 5hours of labor at dalawang ire at exactly 4:18pm... Baby is out na!!! Everyone... Meet our Dylann Gabrielle DOB: March 29, 2020 | Sunday LMP: March 22, 2020 UTZ: April 9, 2020

37weeks 4days... (mahaba-habang kwentuhan)
20 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Same tayo ng due date mommy kaso ako dipa nanganganak huhu minsan may Braxton hicks den ako pero di naman gaanong kasakit wala paren akong discharge huhu

VIP Member

Congratulations momsh! Nakaraos ka na din! At anong app yan momsh? Magandang pang advice yan sa mga mommies dito na nakakafeel ng contractions 😊

4y ago

Seaech lang po sa app store or play store "Contraction timer"

Wow.. Congrats po.. Ako 38weeks and 5days na, waiting pa rin.. 😊 Sana ganyan din ako 2 ire labas si baby.. Hehe

4y ago

Marami po panubigan ko, kaya pag rupture ng water bag kasunod na agad ulo ni baby..

VIP Member

Hello po, anong app po gamit nyo for monitoring ng contractions? Thanks in advance. Congrats po

4y ago

alin puns mga app ung sa inyu? dami pu kc lumabs,..tia pu

Sana all..hehehe..sana ganyan din ako..36weeks and 1 day na..sumasakit ng konte..

4y ago

Sa girls ko ako dinugo muna bago manganak...

VIP Member

Congrats momsh. Mabait si baby mo hindi ka nya pinahirapan. God is good 🥰🙏

4y ago

Oo nga po e.. 😊

Sana all dlawang ire lang labas na agad si baby 😂😅 congrats po 🥰

4y ago

Madulas, marami kase panubigan ko, pag rupture ng water bag ko, kasunod na ulo ni baby...

Wooow!!! Sana all 2 ire lang!!!! Congraaats sis

4y ago

Thank you. Marami kase panubigan ko, kaya pag rupture, kasunod agad ulo ni baby..

Congrats mommy! Ano pong app gamit mo?

4y ago

Thank you sis! :)

VIP Member

Congrats 🥰 ano pong app yan?

4y ago

Thank you momsh