C-section Bath
After niyo ma discharged ilang days pa bago kayo maligo? Yung iba kasi 2 days lang after operation ligo na. Yung iba one week.
sa Canada po or US pagkapanganak mo ikaw aasikaso sa bata, bubuhat and everything.. aadvice sau n maligo na pagkapanganak mo mismo basta maligamgam to promote healing ng mami and cleanliness narin para ke baby.. siguro depende narin po sa pakiramdam mo mami.. kasi nkakaasiwa din po kahit 1 day ka lang d maligo wat more pa ung galing ka ospital tapos may sugat ka. paalalay ka lang po para sa safety mo
Magbasa paAkonpo one week. Ang gusto pa ng Nanay ko 1 month pero di ko na kayang di maligo ng ulo! 🤣 Anyways, basta pag maliligo may kasamang hot water 1-2mos po yon para di malamigan dn katawan nyo, para di din mabinat o sumakit ang katawan nyo. Laging may mainit na tubig pag magbabasa
nakaligo po ako 3rd day na pagdating sa bahay. hirap po kasi ako tumayo pagkatanggal ng catheter. hot shower po. ayaw ni ob ipabasa pero nabasa padin hehe, nilisan ko nalang po agad after as instructed ni ob tapos patuyo then lagyan ng gaza.
Nasayo po un kung kaya mo na medyo tiisin mo lng ung kirot, ako kasi 1week naligo na ko. Pero mabilis lng bawal po kasi mababad ung tahi kasi may part pang di pa tuyo. So dapat mabilisang ligo lng.
Pagkauwi ko from hospital. 3rd day naligo na agad ako ng lukewarm water, tinakpan ng tegaderm yung gauze pad para di mabasa.
Pagkauwi galing hospital which is pang 4th day, tinakpan lang yung tahi kasi bawal mabasa and also lukewarm water pinangpaligo.
Kapag kaya nyo na po. advice sa kin ng ob ko nun pagkauwi pwede ng maligo basta wag lang mababasa ung tahi .
sakin three days after naligo nako, sa ospital pa, pati paguwi.
worr;or mom