Breastmilk Production
Hi, any advise anong magandang vitamins to make sure na may breastmilk tayong mga mommy. Btw, I'm 33 weeks pregnant for my 2nd child. Wala kase akong gatas sa panganay ko. Thanks in advance?
M2 po mumshie, malunggay tea drink yun good for lactating momma. Pero ako nun 1 mo. before manganak umiinom na ko masarap siya pwedeng hot pwedeng cold. Nung bago ako manganak ginagawa kong juice yun tuwing kumakain ako lasang palamig na may pagka C2 ang lasa kapag malamig mo siya ininom. Concentrated kasi yun, 4 tbsp. sa isang cup ang ginagawa kong timpla. Super effective talaga siya, 3 days bago ako manganak tinry ko yung nabili ko electric breast pump tapos napansin ko may gatas na konti lumabas sa nipples ko kaya tinigil ko bigla yung pag pump kasi baka sumirit bigla yung milk wala pa yung anak ko hahaha. Kaya nung nanganak na ko di po ako nahirapan pagkapanganak ko may nasususo na si baby kahit paunti2. Nung nanganak na ko continue padin inom ko pero hot na tinitimpla ganun padin ang timpla pero hot water na. Sobra lakas ng gatas ko talaga after dumede ni baby nagpupump pa ko nakaka tig 2-3 oz ako on both boobies bali 4-6 oz pa yung na sstore kong milk. Nabibili yun sa andok's sila offcial distributor. Php270 bili ko. Pero meron din mga seller sa shopee 250 lang sa kanila. Pero dati 250 lang sa andok's nagmahal na sila. First time mom po pala ako, and di ako masyado nahirapan sa pag breastfeed. Lagi ka din po mag water and hot compress after maligo bago magoa breastfeed. Tuloy2 niyo lang din po ang pag papadede kasi nakabase din sa demand ni baby ang supply ng gatas mo.
Magbasa patry nio po mag take ng mga supplements para mahelp ang production ng gatas nio. like malunggay capsule or natalac. mag ulam ng masasabaw.. iwarm compress ang boobs. stimulate nio din po ang boobs nio, ask for help ng partner nio.
Thank you mga mommies. try ko po yung Natalac. Kase I'm currently working in BPO and naboboarding house kaya hindi pa ko makakain ng mga may sabaw. Pero nag anmum naman ako. ππ
Pareho tayo sis sa 1st and 2nd ko dami ko gatas Kasi malaki Dede ko. Ngayon 3rd baby Wala 38weeks and 4days now
Malunggay tea/capsule, soups, fenugreek, chia seed. Join ka po sa breastfeeding pinay sa fb group π
Mag gatas ka lang like anmum or kumain nga mga pagkain na may halong malunggay
Natalac po mommy or malunggay life oil pricey nga lang kaysa kay natalac.
Pwede ka na po magstart ng malunggay capsules, once a day.
natalac po. pwede sya kahit pregnant pa lang
malunggay capsule