Paano kaya mawala ang bisyo ni baby sa pagpapakarga at hele 🥺 Help mga momsh😪 mag isa lang kasi aq

Paano kaya mawala ang bisyo ni baby sa pagpapakarga at hele 🥺 Help mga momsh😪 mag isa lang kasi aq
28 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

First of all, let's not call it bisyo kasi it frames clinginess as a negative thing. I understand po nakakapagod talaga pero 9 months nyang naririnig ang heartbeat mo, alam nya anong boses mo, anong amoy mo. Ikaw ang source ng comfort nya. Ang ginawa ko noon sa first baby ko nung maliit pa sya, I gave up on some chores. Mga labada, pag aayos sa bahay etc isinantabi ko muna. Masmahalaga for me na present ako para sa kanya, kahit magulo bahay namin, I didn't care. Gusto nya nap time, nap kami. May pwesto kami na malapit sa charger, may inumin nakaready, pati toiletries nya, basta lahat within my reach. Nung confident na ko, I started baby wearing na. Para pa rin syang nakakabit sakin, pero hands free. Nakakagalaw na ko sa bahay. Nagta-tummy time kami lagi para masanay rin syang hindi laging nakadikit sakin, pero malapit ako sa kanya. Minsan lalayo ako nang konti para unti unti syang masanay nang ganun at para malaman nya na kahit umalis ako saglit, babalikan ko rin sya agad. Syempre dun ko sya iniiwan sa safe, di sya malalaglag or may makukuhang delikadong bagay. So give what your baby's asking for, pero you can do it in such a way na makakagalaw ka pa rin, and slowly and gently transition them into staying on their own. By the way, look into wonder weeks po, or yung time na cluster feeding sila. During this time mas clingy talaga sila, it's a time na mabilis ang development nila. Extra clingy din sila kapag teething, so be ready po.

Magbasa pa
VIP Member

try mo swaddle mamsh clingy talaga baby. ako non tinatabihan ko damit ko suot ko ng araw na yun para maamoy pa din nya ako na andon ako . alam ko hirap ng mag isa at madami gawain nag aantay kasi kami lang talaga palagi sa bahay mag iina. tapos kausapin mo din si baby kahit tulog paalam ka na madami ka gagawin kaya tulog muna sya. yan lagi ko non gawa pag mga babies pa anak ko. ngingiti lang naman sila tapos pagbangon ko okay na

Magbasa pa

ganyan po tlaga ang mga babies.. try to enjoy it nalang since minsan lng nmn yan sila bata.. before you know it malalaki na yan at di na magpapakarga sau... p.s it's not "bisyo" nature po ng mga babies na maging laging malapit sa mommy nila.. because we are thier comfort zone..

VIP Member

saken lumaki nalang daughter ko na hindi kargahin ginagawa ko pag tulog na sya tatabihan ko lang at pag nagising kung di naman iiyak diko sya kinakarga pero kapag umiyak na parang arte arte lang hindi ko din agad kinakarga kasi dadaanin ka lang nya sa paiyak iyak hanggang masanay..

VIP Member

mommy ganyan po talaga ang baby. samantalahin mo habang baby pa sya . hindi po yan Bisyo, yes nature na po ng baby talaga ang pagpakarga. kasi lagi nilang hinahanap ang init at amoy mo mommy. ramdam nilang komportable sila pag buhat natin sila.

Enjoyin mo habang baby pa. Kung gusto magpakarga lagi, sige lang. Kung gusto magpahele, sige lang. Mabilis lang sila lumaki. Magsisisi ka pag lumaki na yan kasi di ka na nya kakailanganin.

4y ago

Nature po ng baby yan kasi naninibago sila sa environment. Imagine from your comfort zone bigla kang napunta sa ibang lugar, db po culture shock ang inaabot natin? Same sa mga babies. Mawawala yan kusa kung kelan sila komportable na sila na lang, kung kelan sila makakapag adjust. Ienjoy mo lang ang habang maliit pa sila, pag laki nila hindi na yan maglalambing ng ganyan.

kc same tau gnya din baby ko.pero sakin 8months na xa.momy lng ang gusto.pag natulog gusto lgi kmi magkasama hanggang sa pagising.ngaun nasanay na xa matulog mag isa.hmmff..nakakagawa na rin ako ng gawaing bahay.

Cherish every moment mommy.. Mamimiss mo din yan pag lumaki na sya.. Mas mabuti napaparamdam natin ang init ng love natin sa kanila kase ma's makaka tulong un maging healthy si baby😘😊

VIP Member

enjoy mo lang mommy.ako kahit bigat bigat ng baby ko tiis ko.enjoy ko muna 😊. pero ngayon 4months na sya nag duduyan na sya.para makakilos ako sa bahay

ok lang yan mommy saglit lang silang baby pag malaki na yan mamimiss mo din yung baby pa siya🙂 enjoyin mo lang momsh mahalaga healthy sibaby