How to Relactate Fast?

Any advice po mga mamsh :((( My LO is 27 days old at since first days niya mahina ako maggatas kahit halos gawin ko nang candy ang Natalac (4 tablets a day na ako uminom) pati gawin kong tubig ang Malunggay. Inverted nipple din ako at the same time kaya naging exclusively pumping mommy ako. Ngayon, nagsugat na both nipples ko kakapump :((( hindi tuloy ako makapump kasi masakit talaga tapos parang since nagkasugat ako, from 3oz per pump, naging 1 oz hanggang sa parang patak patak na lang kaya nagstop muna ako para ipahinga. Ngayon, wala na nalabas na gatas after 2 days ko na pahinga. Any tips po on how to relactate ng mabilis? Member ako ng Magic 8 Mommies on Facebook kaso nahihiya ako magpost dun, kitang kita kasi profile mo. Mixed feed din LO ko, ayaw ko na maging Formula na lang gatas niya kasi plan ko lumakas supply ko kahit mag over supply pa para makapag donate ako. Basta gusto ko maging Breastmilk lang gatas ni baby before siya mag 6 months :( Ngayon ang pakiramdam ng dede ko, uncomfortable na parang nangingiwi, gusto ko magpump pero parang ung nipples ko kumikirot kirot at the same time. Help po :( pinanghihinaan ako ng loob :( (picture na to kinuha ko nung nagsusugat na nipples ko)

How to Relactate Fast?
29 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

I'm exclusive pumping po. Not an expert pero nanuod po ko video clips and read articles on how to pump efficiently. Nagstart ako magpump wala pa 1 week after manganak since nahirapan ako sa paglatch. Sa mga nabasa ko hindi daw adviseable magpump as early as that kasi magoover supply daw pero ayoko naman mag FM. So, sa una tinry ko mag pump every 4 hours muna then adjust adjust nalang. Sa umpisa 1-2oz lang pump ko. Then, nung sustained na may 2oz ako per pump, nag increase ako ng frequency ng pump. Yun na yung nagsched ako ng 3 6 9 12 (am and pm) na pump. Pero may times pa din na nakakamiss ako ng pump πŸ˜… from there, unti unti nag increase yung nakukuha ko per pumping session ko. Ngayon, nakaka 8-10oz ako per pump. Sched na ginagawa ko now is same pa din pero hindi na ko nagpump ng 3am minsan, tinutuloy ko nalang pahinga sa madaling araw. And still, may times pa din na nakakamiss ako pump pag busy. Lalo na ngayong back to work na ko. Medyo may effect nga lang stress from work. 1 week palang ako back to work pero bumaba na supply ko dahil yata sa stress and baka dahil narin sa hindi ko masunod sched ng pump. Bawi nalang ako every weekend. 3 and a half month na ko exclusive pumping. Try and try lang mommy.. Aside sa mahal and FM, mas healthy and BM para kay baby πŸ₯° also, stay hydrated. Minimum ko 4 liters of water daily. Haven't tried any lactation goodies/milk kaya wala ako masuggest for that 😁 eat healthy and stay positive ☺️ God bless you ================ Sorry napahaba reply ko πŸ˜‚ natuwa lang ako magshare. Sana makatulong sayo yung experience ko 😁

Magbasa pa