(Advice by the Hospital Under 5 Dietician)
1. Water
A lot of water, habang nagbibreastfeed ang mommy, madali tayong madehydrate. Ito ay para mapalitan ang tubig sa ating katawan.
Ang unang nadedede ni baby tuwing breastfeeding ay tubig, at habang tumatagal ay nakukuha na nito ang minerals at bitamina.
2. Pagkaing Mataas sa Iron
Ang iron ay kinakailangan ni mommy habang nagbubuntis, dahil sa kanya manggagaling ang dugo na kinakailangan ni baby sa paglaki at pagkabuo nito.
Ito ay kinakailangan pagkatapos manganak upang mapalitan ang dugong nawala sa katawan ni mommy.
Ito rin ay nakakatulong upang hindi mamutla at mahilo si mommy dahil sa puyat at pagod sa pag aalaga kay baby.
Sa hospital kung saan ako nanganak, may libreng bitamina para sa dugo(Ferrous Sulfate+Folic Acid) ang binibigay kada buwan para sa mga ina.
*Mga Pagkaing Mataas sa Iron
_Spinach,Liver,Tofu,Red Meat,Egg yolk,buto ng Kalabasa,Lentils, Broccoli, Black Beans, Kidney Beans, Potato, Chicken Breast at Salmon ( mag ingat lang kung merong allergy)
3. Mataas sa Calcium
Ang calcium ay higit na kinakailangan tuwing nagbubuntis at pagkatapos manganak. Hindi mabubuo si baby kung hindi sapat ang calcium na nakukuha nito mula sa ina.
Ang pag inom pagkatapos manganak ay upang mapalitan ang calcium na nakuha ni baby. Ito ay magdudulot ng pagrupok ng mga buto ni mommy.
*Mataas sa Calcium
_Milk-may mga gatas sa naangkop sa nagpapadedeng ina tulad ng "Prenagen Lactamom".
_ Almonds & Sardines- mag ingat kung merong allergy
_Broccoli, Watercress, Okra, Green Cabbage, Green Turnips, Collards
4. Fruits and Vegetables
Especially Green leafy vegetables.
Upang healthy si mommy, healthy din si baby.
Reminder Mommies: "Ang kalusugan at paglaki ni baby ay bunga ng ating kinakain at pag aalaga."